Bagong Ipapalit Sa It'S Showtime Pansamantala, Ipinasilip Na

Huwebes, Setyembre 7, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng mismong direktor ng It's Showtime ang ginagawang paghahanda nila sa pansamantalang papalit sa nasabing show matapos suspindehin ng 12 days ng MTRCB ang kanilang show.


Sinuspinde ng MTRCB ang It's Showtime dahil sa multiple violations at reklamo na natanggap ng nasabing ahensya.


Matatandaan na noong 2010, sinuspinde din ng MTRCB ang It's Showtime ng 20 days. Ito'y kasunod ng mga kontrobersyal na pahayag noon ni Susan Roces laban sa mga teachers.


Dahil muling nasuspinde ngayon ang It's Showtime, marami ang napapatanong kung ano ang magiging susunod na hakbang ng kanilang pamunuan at kung ano ang pansamantalang ipapalit rito.


Marami ang naghihinalang babaguhin lamang nila ang pamagat ng kanilang programa katulad ng ginawa nila noong masuspinde ang show noong 2010.


Sa ibinahaging larawan ng kanilang direktor,  makikitang tila nasa iibang studio ang It's Showtime dahil naiiba ang lighting nito.


Tila ito na ang inaabangan ng madlang pipol na paghahanda sakaling tuluyang masuspendi ang kanilang show sa kabila ng paghahain nila ng Motion for Reconsideration.


Sa ngayon ay umiere pa rin ang It's Showtime dahil hindi pa pinal ang naging suspension dahil binigyan pa sila ng pagkakataon na mabago ang desisyon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo