Lolit Solis, Nagreact Sa Sinabing Natatakot Si Vice Ganda Na Malaos

Martes, Hunyo 27, 2023

/ by Lovely


 Agad na napareact ang talent manager at kolumnistang si Manay Lolit Solis sa usap-usapang natatakot umano si Vice Ganda na malaos.


Ayon kay Manay Lolit Solis, hindi dapat ikatakot ni Vice Ganda ang pagkalaos niya balang araw. Ipinunto pa ni Lolit Solis na matagal nang nasa peak ng kanyang kasikatan si Vice Ganda na nakapagdala umano ng yaman sa kanya.


“Sabi ni Vice Ganda takot daw siya malaos. Lahat naman ng nasa itaas kinatatakutan ang araw ng pagbagsak. Pero malaking bagay na para sa isang star ang matikman ang buhay sa itaas.


“Masuwerte nga si Vice Ganda dahil matagal din siyang nasa itaas at talagang nabago ang buong buhay niya at ng kanyang pamilya,” pahayag ni Lolit Solis


Samantala, labis naman ang papuri ni Lolit sa money management ni Vice Ganda. Naniniwala din umano si Manay Lolit Solis na kahit malaos si Vice Ganda ay hindi pa rin mauubos ang kanyang pera.


“Mahusay din ang naging paghawak niya ng kanyang kita kaya naging maayos ang takbo ng buhay niya. Hindi bale ng malaos, basta natikman mo maging sikat. Saka masarap narin buhay niya kahit pa nga wala na sa itaas.”


Marami naman ang sumang-ayon sa naging pahayag na ito ni Lolit Solis patungkol sa Unkabogable Star na si Vice Ganda.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo