Xander Ford Kakasuhan Na Si Xander Ford Asawa Idadamay Rin?

Lunes, Hunyo 26, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang naging pahayag ni Christian Merck Grey para kay Xander Ford dahil sa mga pinaggagawa nito sa kanya.


Ayon kay Christian Merck Grey, pinayuhan umano siya ng kanyang abogado na padalhan na ng demand letter si Xander Ford dahil sa ginagawa nito sa kanya kung saan maari din daw na madamay ang kinakasama nitong si Gena Mago.


Madadamay umano talaga itong si Gena Mago dahil palagi itong kasama ni Xander Ford sa kanyang mga ginagawang video na tila ba'y labis na sinusuportahan at kinukunsinti lamang umano nito ang mga pinaggagawa ni Marlou.


Pagbabahagi pa ni Christian Merck Grey na matagal na siyang pinayuhan ng kanyang abogado na kasuhan na si Marlou, subalit hindi na lamang niya ito pinapayuhan.


Kaya naman, binantaan na ni Christian Merck Grey si Xander Ford na kung maglalabas pa ito ng video ay talagang tuluyan na niyang sasampahan ng kaso.


Binalikan pa ni Christian Merck Grey ang pahayag noon ni Marlou kung saan iniingganyo nito ang kanyang mga bashers na ibash siya ng ibash dahil mas lumalaki ang kanyang views at reach na naging dahilan upang mas malaki ang isasahod niya mula sa Facebook.


Tila napupuno na si Christian Merck Grey sa mga ginagawa ni Xander Arizala o Marlou sa mga pambibintang at pamemera sa kanya.


Sa kabilang banda, agad namang sinuportahan ng mga netizens ang desisyon ni Christian Merck Grey na kasuhan na si Xander Ford aka Marlou Arizala aka Xander Arizala.


"tama yan  idol para dumigil nayan  marlou yan   nasa vacation ka ayaw niyang tumigil  tama ang ginawa mo idol merck ingat kayo palagi diyan"


"Stay strong! Kung nasa tama ka Merck pagpatuloy mo lang yan. Wala nman mali sa ginagawa mo."


"Enjoy your vacation po with your whole family. Ignore negativity nalang po masisira lang ang moment nyong mag anak"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo