Xander Ford, Isinugod Sa Ospital Matapos Ma-Knock Out

Lunes, Hunyo 19, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin nalilimutan ng ilang mga netizens ang epic fight ng dalawang social media personalities na sina Xander Ford at Christian Merck Grey.


Matatandaan na buong pagmamayabang na ipinahayag pa noon ni Xander Ford na papatumbahin niya sa labanan si Christian Merck Grey na labis niyang kinaiinisan.


Subalit, sa naganap na labanan, parang suntok lang ng bata ang binibitawan ni Xander Ford laban kay Merck Grey at talaga pang hinimatay ito sa isang combo punch ni Merck na tila hindi naman din kalakasan.


Pa-slowmo pa itong bumagsak at hindi na nakatayo pa hanggang ideklarang si Merck ang nanalo sa kanilang tagisan ng pambatang lakas.


Dahil dito, pinagtatawanan ngayon sina Xander Ford at Merck dahil sa scripted nilang labanan.


Binalikan pa ng mga netizens ang pagmamayabang ni Xander kay Merck na tatalunin niya ito gayung tila hindi naman nasaktan ni katiting si Merck sa kanyang mga suntok.


Samantala, ayon sa mga kumakalat ngayon na mga haka-haka, nagpunta umano si Xander Ford ngayon sa hospital dahil tila nabali ang pinaretoke nitong ilong.


Kaya naman ayon sa ilan mga netizens na karma na si Xander sa labis na kayabangan niya at pagkabilib sa kanyang sarili na wala na sa lugar.


May mga lalo pang nainis kay Xander dahil una na itong pinayuhan na huwag sumabak sa labanan upang maiwasan na masira ang pinaretoke niyang mukha.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo