Vice Ganda Awang-Awa Sa Sinapit Ni Awra Briguela Matapos Makulong?

Huwebes, Hunyo 29, 2023

/ by Lovely


 Trending ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang entertainment sites ang video clips ng pakikipagrambulan ni Awra Briguela sa ilang mga kalalakihan sa labas ng isang bar sa Poblacion, Makati.


Agad namang rumesponde ang mga pulis upang maawat sila na nagrarambulan at isinakay sa patrol.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon sa pinag-ugatan ng kanilang diskusyon, hinupuan at binastos umano ng ilang kalalakihan ang mga kaibigan ni Awra Briguela.


Agad umano niya itong kinausap subalit hindi nauwi sa maayos ang lahat na naging dahilan ng kanilang rambulan.


Sa kabilang banda, kumakalat naman ngayon sa social media ang mugshot ni Awra Briguela, patunay na sinampahan ito ng kaso at may posibilidad na tuluyang makukulong.


Naglabas naman ng pahayag ang ilang mga kaibigan ni Awra at ipinagtatanggol ito laban sa bumabatikos sa kanya.


Ayon pa sa kaibigan ni Awra, napakabuting tao ni Awra Briguela at palagi umano itong dumidepensa at nagtatanggol sa kanyang mga kaibigan. 'Yun nga lang naka-tsamba ngayon si Awra at mali ang kanyang ipinagtanggol dahil bigla na lamang umanong naglaho ang mga ito nang magkagulo na.


Iniwan umano ng mga kasama si Awra lalo na noong dumating na ang mga pulis. Kaya naman wala nang kasama si Awra nang dalhin ito ng mga pulis sa estasyon.


Samantala, inaabangan naman ngayon ng ilang mga netizens ang magiging pahayag ni Vice Ganda na kilalang malapit kay Awra Briguela.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo