Paolo Contis, Ipinagtanggol Si Buboy Villar Sa Mga Bashers Sa Inamin Tungkol Sa Kakilalang Contestant

Huwebes, Hunyo 29, 2023

/ by Lovely


 Agad na dinepensahan ng isa sa mga mainhost ng revamped Eat Bulaga na si Paolo Contis ang kanyang kasamahan na si Buboy Villar matapos nitong aminin na totoong kakilala niya ang contestant para sa 'Pinaka Segment' na nakuha ni Mavy Legaspi.


Sa isang panayam, tuluyang inamin ni Buboy Villar ang ilang isyung kakilala at tauhan niya sa kanyang negosyo ang nasabing contestant.


Ayon kay Paolo Contis ang tanging pagkakamali lamang ni Buboy ay ang pagpanggap na hindi niya kakilala ang contestant.


Hindi naman umano alam nito na pupunta at manonood ang kanyang tauhan sa araw na iyon ng kanilang show. Paglilinaw pa ni Buboy na hindi nakasaad sa kanilang script na ito ang matatawag  sa harapan para makilahok sa kanilang 'Pinaka Segment'.


“Naawa rin po ako sa part ng contestant kasi fan ko po ‘yon, fan ko po ‘yon na sobrang sumuporta sa akin dahil sa kabila ng mga taong nagsasabi ng masasakit na salita sa akin although okay lang naman po sa akin ‘yon, tumatanggap naman po ako kasi opinyon ‘yon, eh sumuporta itong kaibigan ko na ‘yon at sobrang saya ko dahil nandoon siya, nakita ko siya, at napili siya ng mga co-hosts ko rin so the show must go on, pinaglaro siya.”


“Lahat naman po puwedeng manalo eh, sabi nga po namin sharing is caring and caring is winning,” saad ni Buboy.


“Hindi ko alam na manonood siya ng Eat Bulaga. Hindi ko talaga expected kasi ang una kong gustong nandoon sa stage ay ‘yong nanay ko, siya ‘yong ininvite ko, gusto ko saksi ‘yong nanay ko doon kasi unang-una po sa lahat, Eat Bulaga po ito part po ito ng history, tapos tutuntong po kami sa stage ng Eat Bulaga,” dagdag pa ni Buboy.


Agad naman itong ipinagtanggol ni Paolo Contis at sinabing, “It was a very honest mistake, una sa lahat, the only mistake I guess was that Buboy did not mention it on-air na kilala niya ‘yong tao. Pero ‘yung taong ‘yon hindi niya kasama sa likod, pumila ‘yon ng 6:00 ng umaga tapos pinili siya ni Mavy ‘di ba?”


“Pero ang tao naman kasi hahanap at hahanap ng paraan para sabihing… lalo ngayon na para kang nasa microscope ‘di ba lahat ng kaunting mali mo eh, pupunahin.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo