Awra Briguela, Nakipagrambulan Sa Club! Pinusasan!

Huwebes, Hunyo 29, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainments sites ang mga video clips na kuha umano mula sa pagrarambulan ng dalawang grupo sa Poblacion, Makati kung saan kasama sa dalawang grupo ang social media personality na si Awra Briguela.


Sa sunod-sunod na video clip na ibinahagi ng isang Twitter user ang nangyaring rambulan ng dalawang grupo sa labas ng The Bothole Bar sa Poblacion, Makati City.


Agad naman rumesponde ang mga otoridad upang maawat ang dalawang grupo. Kitang-kita naman sa ilang parte ng video ang tila pagpupumiglas ni Awra sa hawak ng mga pulis habang isinasakay sa mobile car.


Nakunan pa sa video ang paglalagay ng posas sa mga kamay ni Awra.


Ayon sa mga komento ng mga netizens, hinaharass umano ng mga kalalakihan ang mga kaibigan ni Awra kaya ito nakipag-away.


"AWRA’S FRIENDS WERE HARASSED, HINUPUAN YUNG MGA KAIBIGAN NIYANG BABAE AND ALAM NI AWRA NA HINIPUAN NG GUY YUNG MGA FRIENDS NI AWRA SO KINAUSAP NI AWRA YUNG GUY PERO NAGKAINITAN SILA TAPOS BIGLA RAW SINUNTOK NUNG GUY SI AWRA AND DOON NA RAW NAGSIMULA YUNG GULO..."


Samantala, wala pang inilalabas na statement si Awra Briguela hinggil sa usaping ito. Hindi pa rin malinaw kung ano ang pinagmulan ng kanilang kaguluhan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo