Boobay Sinabing Panghabangbuhay Na Ang Kanyang Seizures

Lunes, Hunyo 12, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng mga karagdagang detalye ang komedyanteng si Boobay patungkol sa kanyang pinagdadaanang seizures.


Matatandaan na bigla na lamang inatake ng seizures si  Boobay sa kamakailang guesting niya sa programa ni Boy Abunda na siyang kinabahala ng kanyang mga kaibigan sa showbiz industry.


Isa sa mga naikuwento ni Boobay sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ay ang tungkol sa kanyang kondisyon na absence seizure.


Ang absence seizure na sinasabi ni Boobay ay ang katulad nang nangyari sa kanya noon sa programang Fast Talk With Boy Abunda kung saan ay bigla na lamang siyang nablangko at nawalan ng ulirat sa gitna ng pag-uusap nila ni Tito Boy.


"Lifetime na raw po kuya 'yung seizure ko sabi ng doctor. 'Yun yata yung hindi ko pa matanggap sa sarili ko na may ganito na palang nangyayari talaga sa akin. In denial ako na meron akong ganito," pag-amin Boobay. 


Dahil dito, buong buhay siya umanong may iinumin na gamot upang hindi dumalas ang pagsumpong ng naturang kondisyon. 


Isa umano sa mga sanhi ng sakit na ito at kung bakit ito nangyayari sa kanya ay ang kakulangan niya sa pahinga na aminado siyang nagagawa minsan.


Sa kabila nito, ipinunto ni Boobay na makakapagtrabaho pa rin siya ng maayos. Malaki rin ang pasasalamat niya dahil patuloy pa rin siyang nabibigyan ng projects sa kabila ng kanyang karamdaman.


"Despite 'yung nangyayari nga na may ganu'ng absence seizure ako, because of my mild stroke before, na na-experience a mas siguro du'n sa mga magtitiwala pa rin, sisisguraduhin ko naman na hindi nila sasayangin ' yung tiwalang ibibigay nila sa akin" 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo