Carlo Aquino Naglabas Ng Hugot Sa Social Media

Lunes, Hunyo 12, 2023

/ by Lovely


 Naglabas ng isang cryptic post sa social media ang aktor na si Carlo Aquino patungkol sa mga umano'y maling paratang sa kanya.


Binalikan ng aktor kung paano niya ipinagtatanggol ang sarili laban sa mga maling paratang ng ibang tao lalong-lalo na mula sa ma netizens.


"I used to rush to defend myself against false accusations, but now I watch to see who believes it," saad ni Carla.


Dagdag pa niya, "So I know who to cut off first."


Hindi naman nilinaw ni Carlo kung sino ang kanyang pinatutungkulan sa kanyang post. Wala ring larawan ang kanyang ibinahaging post.


Gayunpaman, marami sa mga netizens na naghinalang ang mga kontrobersiyang kinahaharap noon ni Carlo ang kanyang tinutukoy.


Matatandaan na dumaan sa matinding kontrobersiya si Carlo Aquino nang aminin niyang matagal na silang nagdidate ng aktres na si Charlie Dizon.


Maraming netizens ang naghinalang si Charlie ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Carlo Aquino at Trina Candaza na dating kinakasama noon ni Carlo Aquino.


Subalit agad naman itong pinabulaanan ni Carlo at sinabing hindi si Charlie ang naging mitsa sa relasyon nila ni Trina noon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo