Ricci Rivero May Isiniwalat, Totoong Dahilan ng Hiwalayan Nila Ni Andrea Brillantes!

Martes, Hunyo 27, 2023

/ by Lovely


 Nilinaw na ng basketball player na si Ricci Rivero ang mga kumakalat isyu sa likod ng hiwalayan nila ng aktres na si Andrea Brillantes.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na maraming napapa-sana all sa kasweetan nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes na hindi naman nila pinagkakait sa kanilang mga tagahanga.


Kaya naman marami ang hindi nakapaniwalang maghihiwalay din ang dalawa matapos ang mahigit isang taong relasyon. Matatandaan pang tila maayos pa naman ang dalawa sa naganap na Star Magical Prom.


Samantala nilinaw na ni Ricci Rivero ang mga bumabalot na isyu sa hiwalayan nila ni Andrea.


Dahil sa pananahimik ni Ricci at Andrea, sa hindi pagbibigay detalye sa totoong rason ng kanilang hiwalayan nagkanya-kanya ng pagpapalabas na haka-haka ang mga netizens.


May mga nagsasabing may ibang babae si Ricci Rivero nadatnan pa umano ito mismo ni Andrea na kasama ni Ricci sa loob ng unit, dumagdag pa sa isyu ang umanong beki na nag-aalaga kay sa basketball player.


Kaya naman napagpasyahan ni Ricci na magsalita na sa kauna-unahang pagkakataon.


Nilinaw ni Ricci na hindi niya babae ang nadatnan ni Andrea sa loob ng kanyang unit kundi babae ito ng kanyang unit. Subalit hindi na umano siya pinapakinggan ng kanyang asawa.


“Ang cause ng breakup, yung speculations na kumakalat sa social media na may nakita siyang girl dun sa place ko. Pero ilang beses po naman naming pinag-usapan ito. Sobrang daming beses,” pag-amin ni Ricci Rivero.


“Sinabi ko sa kanya with all the evidences I have na hindi sa akin yung girl. May papuntang friend akong midnight tapos hindi ko naman alam na may kasama siya. Yun ang inabutan niya,” paglilinaw ni Ricci.


Samantala, isiniwalat din ni Ricci na isa sa mga dahilan kung bakit niya nilinaw ang isyu dahil nadadamay na umano ang kanyang pamilya sa mga isyu nila ni Andrea.


Hindi na umano nakakalabas ng maayos ang mga ito dahil sinisigawan at binabastos na ito ng ilang fans ni Andrea.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo