Pauleen Luna, Buntis Na Sa Pangalawang Anak Nila Ni Vic Sotto?

Martes, Hunyo 27, 2023

/ by Lovely


 May lumalabas na bulong-bulungan na umano'y tila buntis nang muli ang misis ni Vic Sotto na si Pauleen Luna.


Nag-ugat ang usaping ito nang magpost sa social media si Pauleen patungkol sa cord blood donor.


"Cord blood banking is like having a lifeline for the future. This way, Tali gets protection for life. It is simple and easy. Best decision ever!


You can help your pregnant friends find out the benefits of umbilical cord stem cell banking when you refer them to Cordlife for a free consultation! Cordlife gives shopping rewards for EACH successfully referred friend so you can be rewarded as much as you want! Visit @cordlifephilippines page to know more."


Nakadagdag pa sa hinala ng mga netizens ang hindi pagdalo ni Pauleen sa kasal ng isang kaibigan. Tanging sina Tali at Vic lamang ang naroon dahil isa si Pauleen sa mga maid of honor sana sa nasabing kasalan.


Kapansin-pansin rin ang tila pananaba ni Pauleen Luna sa kamakailang salon date nila ni Vic Sotto. Tila napapansin din na may maliit na umanong umbok sa kanyang tiyan.


Samantala, hindi rin umano makakasama si Pauleen sa unang episode sa show ng TVJ sa TV5.


Gayunpaman, hindi naman umano sinasagot ni Pauleen ang katanungan ng press patungkol sa isyung ito.


Ayon naman sa ilang mga netizens, hindi naman dapat na itago ni Pauleen sakaling buntis man ito dahil may asawa naman itong tao.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo