Babaeng Naabutan Ni Andrea Brillantes Sa Bahay Ni Ricci Rivero, Ito Ang Hitsura!

Martes, Hunyo 27, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay umamin na ang basketball player na talagang nahuli siya ni Andrea Brillantes na mas kasamang babae sa loob ng kanyang tinitirhang condominium.


Tila hindi naging maganda ang nadatnan ng aktres dahil kahit ilang beses na niyang sinasabi at ipinapaliwanag rito ang sitwasyon nila ng nasabing babae.


Nauna na rito, kumakalat sa social media ang mga larawan ng mga babaeng nakatuwalya lamang at nakasuot ng malaking tshirt na panlalaki na kuha umano mismo ni Andrea sa loob ng condo ni Ricci nang madatnan niya ang babae.


Marami ang naghinalang ang beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista ang nasabing babae sa viral photo lalo pa't nalilimk ang dalawa sa kasagsagan ng isyu ng hiwalayan nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes.


Gayunpaman, nauna nang pinabulaanan ni Leren Mae Bautista ang nasabing isyu at ngayon, sinigundahan naman ito ni Ricci Rivero sa naging panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda.


“Hindi po akin ‘yung girl. May papuntang friend ako nu’ng midnight or madaling araw, tapos ‘di ko naman alam na may kasama siya, ‘yun ang inabutan niya that time,” paghayag ni Ricci Rivero.


Hindi naman isiniwalat ni Ricci ang pagkakakilanlan ng nasabing babae. Mahigpit din niyang sinabi na hindi si Leren Mae Bautista ang babae.


“Wala pong kinalaman si Councilor Leren. We met kasi nung outreach na, ‘yun ‘yung May 26, birthday ko po ‘yun na parang outreach kasi ginagawa ko siya every year, ever since naman nung first year college ako ginagawa ko na siya,” saad ni Ricci.


“Galing po kasi ako ng province, doon po ako nag-celebrate ng birthday ta’s nung papaluwas po ako rito, may mga common friends kami na ‘yung mga madalas ko pong kasama lately for the past year na sabi ko baka pwedeng makapag-feeding program tayo kasi ginagawa ko ‘to palagi and wala akong magawa ngayon dahil nasa biyahe po ako sa Isabela,” pagpapaliwanag pa ni Ricci.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo