Rebelasyon! Mga Hosts Ng It's Showtime Ibinunyag Sa Publiko Kung Anong Klaseng Mga Host Ang TVJ!

Miyerkules, Hunyo 28, 2023

/ by Lovely


 May kanya-kanyang reaction ang mga host ng It's Showtime sa kanilang pagkakalipat sa GTV dahil ibinigay ng TV5 ang kanilang timeslot sa kakalipat lamang na TVJ.


Sa kabilang banda, excited naman ang mga hosts ng It's Showtime na mapapanood na rin sila sa GTV isang subsidiary channel ng GMA7.


Ayon kina Ogie Alcasid at Vhong Navarro, bagama't nakakagulat umano ang nangyari, malaki pa rin ang kanilang pasasalamat dahil tinanggap sila ng GTV matapos ang pagtatapos ng kanilang kontrata sa TV5.


"Syempre masaya pa rin dahil meron ulit nagpatuloy sa amin na bagong tahanan para maipagpatuloy natin ang anumang nasimulan natin 13 years ago," pahayag ni Vhong Navarro.


Dagdag naman ni Ogie Alcasid, "Ang bottomline 'jan ang madlang pipol ang dapat nating pasayahin. So ang mga panahon na nag-aalinlangan tayo, di natin alam kung saan tayo pupunta. Nakakatuwa na mayroon na kaming bagong bahay."


Inamin din nila na noong June 20 nang malaman na lilipat na sila sa GTV ay totoong nagulat sila. Amindado rin si Vhong Navarro na talagang kinabahan siya nang magmeeting sila at isiniwalat ng management na may magaganap na pagbabago sa kanilang show.


Gayunpaman, malaki pa rin ang kanilang pasasalamat sa TV5 dahil sa pagtanggap umano sa kanila noong wala rin silang tahanan na matutuluyan.


Maging si Karylle ay naglabas rin ng kanyang saloobin sa nangyaring pagkakalipat nila sa GTV. Nakakabuti rin umano ito upang makita ang kanilang show sa mas malawak pang audience.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo