Reaction Ni Andrea Brillantes Sa Interview Ni Ricci Rivero

Miyerkules, Hunyo 28, 2023

/ by Lovely


 May napansin ang ilang mga netizens sa social media account ng aktres na si Andrea Brillantes matapos lumalabas ang kamakailang panayam kay Ricci Rivero sa isang episode ng Fast Talk with Boy Abunda.


Sa nasabing panayam, tinapos ng basketball player na si Ricci Rivero ang kanyang pananahimik sa nangyaring hiwalayan nila ng aktres na si Andrea Brillantes.


Ayon kay Ricci kung siya lamang ang naapektuhan ay kaya pa niyang tiisin ang lahat, subalit nadadamay na rin umano maging ang kanyang pamilya.


Kalakip ng pag-amin ni Ricci ng hiwalayan nila ni Andrea Brillantes ay ang samu't-saring isyu at intriga sa naging totoong dahilan ng lahat.


May mga nagsasabing nahuli umano si Ricci na may kasamang babae sa kanyang condo na tila may kakaibang ginawa. May nagsasabi ring ipinagpalit ni Ricci Rivero si Andrea Brillantes sa isang bading.


Nadawit rin ang pangalan ng beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista sa hiwalayan ng dalawa kasunod ng pagkalat sa kanilang larawan na magkasama sa isang outreach event sa mismong kaarawan ni Ricci Rivero.


Kaya naman sa kamakailang episodes ng Fast Talk with Boy Abunda sinagot lahat ni Ricci ang mga nasabing isyu.


Aminado naman si Ricci na may nadatnan ngang babae si Andrea sa kanyang unit ang babae umanong ito ay hindi sa kanya at sa kanyang kaibigan.


Nilinaw din ni Ricci na wala silang relasyon ni Leren Mae Bautista, lalong-lalo na sa isang bading.


Samantala, matapos ang interview napansin ng mga netizens na hindi na naka-follow si Andrea sa Instagram account ni Ricci Rivero.


Ilang saglit lamang ay naka-unfollow na rin si Ricci sa IG account ni Andrea Brillantes.


Dahil dito naghinala ang mga netizens na baka nagalit si Andrea sa mga pagsisiwalat ni Ricci lalo na sa impormasyong nagli-live in na silang dalawa.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo