Preparation Ng Kasal Ni Maine Mendoza at Arjo Atyade Apektado Sa Tvj Vs Tape Issue

Huwebes, Hunyo 22, 2023

/ by Lovely


 Nagsalita na ang actress-host na si Maine Mendoza hinggil sa isyu ng Eat Bulaga hosts sa dating production company nila na TAPE Inc.


Isiniwalat din ni Maine Mendoza na nakatanggap rin siya ng offer mula sa GMA7 na manatili sa show na iniwan ng TVJ. Subalit, tinanggihan umano niya ito dahil walang makakapantay sa pinagsamahan nila ng TVJ.


Naniniwala rin umano si Maine Mendoza na kung nasaan ang TVJ ay dapat naroroon din sila. Ipinagdidiinan din niya hindi nakiusap sa kanya ang TVJ at hindi rin umano siya pinilit ng mga ito na sumama sa kanilang laban.


Ipinunto pa ni Maine na hindi nababayaran ng pera ang kanyang loyalty sa Eat Bulaga na tumanggap sa kanya at naging instrumento sa kanyang pagsikat kasama ang aktor na si Alden Richards.


Pagbabahagi pa ni Maine Mendoza, dapat ay naka-leave siya mula June hanggang July upang pagtuunan ng pansin ang preparations sa nalalapit na kasal nila ng kanyang fiancee na si Arjo Atayde.


Subalit sa hindi inaasahang pangyayari sa pagitan ng TVJ at TAPE Inc. mas inuna muna ni Maine Mendoza na bigyan ng pansin ang pakikipaglaban nilang mga legit dabarkads.


Labis naman umanong natutuwa si Maine Mendoza sa kanilang panibagong tahanan sa TV5. Matatawag na rin umano niya ang kanyang sarili nilang legit kapatid dahil sa pangyayaring ito.


Matatandaan na may mga projects na ring ginawa si Maine Mendoza noon sa ilalim ng TV5.


Ipinahayag din ni Maine ang kanyang excitement sa darating na July kung saan magsisimula na ang kanilang show. Napahanga naman si Maine Mendoza sa lugar ng TV5 na hindi umano katulad sa dati nilang pinagtatrabahuan.


Muli ring pinasalamatan ni Maine Mendoza ang Eat Bulaga dahil sa pagbabago ng kanyang buhay for the better dahil na rin sa TVJ na tumanggap ng buo sa kanya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo