Baron Geisler, Binato Ng Script Ng Director Dahil Hindi Makuha Ang Scene

Martes, Hunyo 27, 2023

/ by Lovely


 Sa naging guesting ni Baron Geisler sa programang Fast Talk with Boy Abunda, binalikan ng actor ang kanyang mga karanasan sa pag-aartista noong kabataan pa lamang niya.


Aminado si Baron Geisler na napakatamad niya noon at hindi niya siniseryuso ang mga script. Kaya naman nararapat lamang umano siyang pagalitan ng mga director.


Hindi umano niya malilimutan ang naranasan niya kung saan binato sa kanyang mukha ang script na hindi niya makuha-kuha.


Ayon sa pagkukwento ni Baron, hindi niya makuha-kuha ang nasabing eksena kaya naman binato na sa kanya ni director Andoy Ranay at pinagsabihan siyang dapat niya i-memorize ang script.


Kaya naman tinuturing niyang si Direk Andoy Ranay sa mga taong nagpatino sa kanya.


“Si Direk Andoy, I think this was at 2 a.m., everyone was prepared and it was a long scene. Magte-take na kami and I mumbled my lines and nag-fumble ako. Ayun, binato ako ng script sa mukha. Sabi niya ‘memorize mo muna yan,’ then he walked out.


“After that, sabi ko ‘natuto na ako, ayoko na may magbato sa akin ng script sa mukha.’ Sineryoso ko yun,” saad ni Baron Geisler.


Binalikan din ni Baron Geisler ang naging shooting nila sa Netherlands para sa pelikulang 'Doll House' kung saan naging top movie ito sa Netflix.


Matatandaan na umani ng samu't-saring papuri si Baron dahil sa nasabing pelikula.


“You know we were shooting it guerrilla style sa Netherlands. While we were shooting it, di ko naiintindihan yung ginagawa namin… This was my first time to watch myself na buo sa pelikula na I really don’t watch myself,” pahayag pa Baron.


Sa huli hiling niya na sana ay magkaroon naman ng reunion project ang 'Tabing Ilog' family kasama sina John Lloyd Cruz, Paolo Contis, Patrick Garcia, Kaye Abad, Jodi Sta. Maria at Desiree del Valle.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo