Xyriel Manabat Sinagot Ang Basher Na Nagtatanong Sa Kanyang Pagpaparetoke

Huwebes, Hunyo 29, 2023

/ by Lovely


 Masayang ibinandera ng Kapamilya actress na si Xyriel Manabat ang malaking pagbabago sa kanyang mukha matapos ang matagumpay na nose job.


Sa kanyang Instagram post, masaya siyang nag-flex ng kanyang larawan kung saan ipinahayag niya sa caption ang kanyang pasasalamat sa clinic na gumawa sa kanyang nose.


Agad namang nagpaabot ng kani-kanilang pagbati ang ilang mga kasamahan at kaibigan niya sa trabaho. Maging ang kanyang fans ay nagpahayag din ng paghanga na sa lalong pagganda ng aktres.


Subalit may isang netizen na nag-usisa at hayagang tinanong ang akres sa eksaktong procedures ng kanyang mga pinagawa.


“Eyelids, rhino?, lip fillers. Jaw reduction? Ang ganda ng gawa,” komento ng netizen.


Agad naman itong sinagot ni Xyriel at itinama ang komento nito.


Ayon sa aktres tanging ilong lamang ang kanyang pinagawa. Subalit, tila hindi nakumbinsi ang nasabing basher at muling sinagot si Xyriel at ipinunto ang pagkakaiba ng kanyang mukha ngayon.


“HAHA anong nose lang eh buong face mo nag-iba. Wala naman masamang umamin, cyst. Lol,” muling saad ng basher.


Hindi naman ito pinalagpas ni Xyriel at kaagad na ipinunto sa basher na wala naman siyang itinatago.


“Hi, what’s the point of denying po? It’s something to be proud of… I’m being honest and transparent. Of course whole po magbabago kasi nasa center po ng face ang nose and may madadamay at maapektuhan po talaga na part ng face kaya magbabago po talaga whole face… common sense come on,” tila pagtataray ni Xyriel.


Ibinahagi pa mismo ng aktres ang screenshot ng naturang conversation thread at kinomentuhan.


“Bakit ko idedeny eh ang galing-galing ng doctor ko,” muling saad ni Xyriel.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo