Mahirap Lang Kaya Iniwan Ng Asawa?

Linggo, Hunyo 25, 2023

/ by Lovely

Kilalanin ang mga celebrities na iniwan ng kanilang asawa o di kaya ay kinakasama dahil sila ay mahirap lamang.


1. Jericho Rosales



Unang nakilala si Jericho Rosales dahil sa kanyang pagsali sa sa Mr. Pogi noong 1996. Bago pa man ang kanyang pagsikat ay naging fish vendor, jeepney driver at pizza delivery muna si Jericho Rosales. Kaya naman naging usap-usapan noon ang relasyon nila ni Heart Evangelista na kilalang mula sa osang mayamang pamilya.


Isa sa mga itinuturong dahilan ng hiwalayan nila ay ang pag-ayaw ng ina ni Heart kay Jericho dahil sa financial status nito.


2. Kier Legaspi



Si Kier Legaspi ay isang sikat na artista. Siya ay isang anak ng batikang artista na si John Legaspi. Nakarelasyon niya ang isa sa mga Barretto siblings na si Marjorie Barretto. Nagkaroon sila isang anak na si Dani Barretto.


3. Dennis Padilla



Si Dennis Padilla ay isang batikang actor, subalit bago ang kanyang pagsikat ay naging isang bodyguard muna siya ng isang singer na si Randy Santiago. Noon ay kumikita lamang si Dennis ng 50 pesos sa isang araw.


Taong 1995, nagpakasal sila ni Marjorie Barretto subalit matapos ang 11 years ng kanilang pagsasama ay naghiwalay rin sila.


4. Jhon Lloyd Cruz



Matapos ma-bankrupt ang negosyo ng kanyang ama, napagdesisyunan ni Jhon Lloyd Cruz na pasukin ang mundo ng showbiz upang matulungan niya ang kanilang pamilya na makabangon muli.


Naging maingay naman ang isyu noon nang pansamantalang iwan ni Jhon Lloyd ang kanyang showbiz career kasama ang actress na si Ellen Adarna.


Unang nilang nilihim ang kanilang relasyon subalit kalaunan ay inamin rin matapos isilang ni Ellen ang kanilang anak.


Isa sa mga itinuturong dahilan ng kanilang hiwalayan ang pera. Si Ellen ay nagmula sa mayamang angkan na nagmamay-ari ng Hotel at Condo sa Cebu.


5. John Regala



Si John Regala ay isang sikat at in demand na kontrabida sa kanyang kapanahunan. Subalit dahil sa bisyo ay naubos ang kanyang mga naipundar at savings.


Ayon kay John Regala, iniwan siya ng kanyang kinakasama noong naubos ang kanyang pera.


6. Buboy Villar



Sumikat si Buboy Villar noong naging bahagi siya ng Dyesebel noong 2008. May nakarelasyong isang American si Buboy Villar at sa loob ng kanilang apat na taong relasyon nagkaroon sila ng dalawang anak. Subalit nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nilang ito.


7. Zoren Legaspi



Si Zoren Legaspi ay isang sikat na aktor, noong 1990's nagkaroon sila ng relasyon ng sikat ding aktres na si Ruffa Gutierrez subalit ang kanilang relasyon ay mahigpit na tinutulan ni Annabelle Rama dahil mahirap lamang si Zoren.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo