Aiza Seguerra Sinabing Hindi Niya Tatablahin Ang TVJ Kahit Wala Ng Makain!

Linggo, Hunyo 25, 2023

/ by Lovely


 Naglabas ng pahayag ang singer na si Aiza Seguerra na kilala ngayon bilang Ice Seguerra sa kanyang katapatan sa TVJ.


Ayon kay Ice Segurra, hindi umano niya tatraydorin ang TVJ kahit pa wala na siyang makain.


Bilang isa sa mga pioneer hosts ng Eat Bulaga ipinahayag ni Ice Seguerra ang kanyang loyalty kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon. Panunumpa pa ni Ice na hindi umano siya papayag na maging guest sa mga show na katapat ng TVJ kahit pa wala na siyang makain.


"Will I go? No, like what I've said, hindi ko tatablahin ang TVJ, kahit anong show actually. I have friends from 'Showtime' people, but then, if they ask me can you guest here? I would always say na pasenya na po but I don't guest sa any show na katapat ng Eat Bulaga," pahayag ni Ice Seguerra.


Ibinahagi pa ni Ice Seguerra na nakasaad ito mismo sa kanyang kontra.


"It's even on my contracts, nakalagay don na any show na katapat ng Eat Bulaga hindi ko sasamahan." 


Nang makarating umano kay Ice Seguerra ang nangyari kay Tony Tuviera agad niyang kinontak ang asawa nito upang kumustahin dahil ito ang nagsilbing ama sa kanila.


"Well, I reached out to Tita Madz (Tony Tuviera's wife). Of course, I wanted to ask how he is because, more than anything, he's like a father to all of us." 


Matatandaan na isa si Ice Seguerra sa produkto ng Eat Bulaga. Sumali noon si Ice Seguerra sa Little Miss Philippines noong 1987.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo