Lolit Solis Naaawa Kay Joey De Leon Sa Nangyaring Pagtalikod Nila Sa TAPE Inc.

Lunes, Hunyo 12, 2023

/ by Lovely


 Hindi na napigil ng veteran showbiz columnist at talent manager na si Manay Lolit Solis ang kanyang sarili at ipinahayag na sa social media ang kanyang pagkaawa sa dating Eat Bulaga host na si Joey De Leon.


Ayon kay Manay Lolit Solis, hindi niya mapigilan ang sarili sa kanyang nadaramang awa para kay Joey De Leon sa pagiging emosyunal nito sa tuwing napag-uusapan ang Eat Bulaga.


Makikita umano sa emosyon nito na talagang nasasaktan ito sa pag-iwan nila sa Eat Bulaga.


"Naawa naman ako Salve kay Joey de Leon dahil talagang na sad siya sa mga nangyayari ngayon. Very sentimental si Joey de Leon kaya mababa ang luha niya. Teary eyed siya pag kausap ng mga showbiz writers kaya naman feel ng lahat ang sadness niya."


Ibinulgar din ni Lolit Solis na maging si Vic Sotto ay tulala sa tuwing sasapit ang tanghalian dahil sa pagkamiss sa Eat Bulaga.


"Kahit nga si Vic Sotto sabi ni Pauleen Luna talagang naging tahimik ng matagal tuwing sasapit ang oras ng tanghali. Buti na lang at nandiyan si Talitha na pinasasaya siya lagi."


Naiintindihan naman umano ito ni Manay Lolit Solis dahil sa mahigit 40 years na kasama nila ang Eat Bulaga sa tuwing tanghalian at ngayon pa umano itong nangyari.


"Naku pag naman inabot ka ng 40 years na lagi kayo magkasama imposible naman talaga makalimot ka. Siyempre nanduon parin iyon feeling mo na magkasama kayong lahat together. Naku matatagalan talaga maka recover dito sa nangyari sa Eat Bulaga."


Dagdag pa ni Lolit, "Tutoo nga, mabu Bulaga ka sa mga magaganap na eksena. Hindi mo akalain ha, pagdating pa ng 40 years mangyayari ang ganito. Ayaw ni Talitha niyan, hindi bongga"


Matatandaan na inamin mismo ni Joey De Leon na naging emosyunal siya at umiyak ng umiyak matapos ang kanilang desisyon na tuluyan nang talikuran ang TAPE Inc. ang production company ng Eat Bulaga.


Sa ngayon ay hindi pa rin malinaw kung sino ang mas may karapatan na dalhin ang pamagat ng show na sinasabing naisip ni Joey De Leon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo