Rhian Ramos Umaming 2 Years Nang Kasama Sa Bahay Si Michelle Dee!

Lunes, Hunyo 12, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media at maging sa ilang mga entertainment sites ang isyung matagal nang may romantic relationship sina Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee at actress na si Rhian Ramos.


Wifey at Honey kasi ang tawagan ng mga ito at ayon sa aming nakalap na impormasyon ay nakatira sa iisang bubong sa loob ng mahigit dalawang taon na.


Samantala, sa naganap na presscon ng pinakabagong primetime series ng GMA 7 na “Royal Blood” kung saan isa si Rhian sa mga cast members, isa sa mga naitanong sa dalaga ay tungkol sa tsismis na magdyowa sila ni Michelle Dee.


Tinawanan lamang ito ni Rhina Ramos at kaagad na nilinaw ang kanilang relasyon.


Ipinunto pa ni Rhian na walang katotohanan ang mga naglabasang chismis sa pagitan nila ni Michelle.


“Actually even before pa naman, starting two years ago, marami na kaming shippers, marami nang nagta-tag sa aming dalawa, nae-edit ‘yung mga videos namin with very romantic music and everything. 


“We’ve always found it funny and cute, because ayun nga dahil sa totoong buhay, because we live together, it’s like ‘Oh my God, parang mag-asawa na tayo,’ parang ganu’n.


“That’s why wifey nga and honey ang aming tawagan. But yeah, I’m sorry to disappoint everyone, hanggang ship na lang talaga ‘yan. But she’s a wonderful girl and I’m just happy that everyone is tagging us and supporting her,” pagpapaliwanag ni Rhian.


Hindi rin umano siya natatakot na maaring maapektuhan ng chismis ang kanilang image ni Michelle Dee.


“Hindi naman ako nag-worry. Siguro sanay na rin ako that people have misconceptions all the time and it doesn’t really bother me.


“I think it’s just as long as the people that I’m very close to know who I am then I don’t really worry.


“Parang normal naman sa showbiz to have misconceptions and besides I already did a show where mag-partner kami ni Glaiza (de Castro) sa ‘Rich Man’s Daughter’ so even if I never met Michelle, pinaghihinalaan na ako so I’m okay.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo