Lola Vilma & Baby Peanut Touch down Los Angeles California

Biyernes, Hunyo 16, 2023

/ by Lovely


 Masayang ibinahagi ni Vilma Santos na ligtas silang nakarating sa Los Angeles, California kasama ng kanyang pamilya, kasama rin nila ang kanyang napaka-cute na apo na si Baby Peanut.


Kinatuwaan naman sa social media ang mga dalang bagahe nina Vilma Santos dahil napakarami umano nito na tila ba ay magtatagal sila sa kanilang bakasyon.


Samantala, mula nang magkaroon ng apo, naging sunod-sunod na ang pagbabahagi ni Vilma Santos ng mga Tiktok video kung saan ay ibinabahagi niya ang ilang mga snaps ng napaka cute niyang apo na si Baby Peanut.


Si Rosa Vilma Tuazon Santos-Recto kilala rin bilang si Vilma Santos ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, producer, at politician. 


Nagsilbi siyang House Deputy Speaker mula 2019 hanggang 2022 at bilang Representative of Batangas' 6th district mula 2016 hanggang 2022.


Siya ay may anak sa unang asawa na si Edu Manzano na si Luis Manzano.


Matatandaan na noon pa man ay ipinahayag na ni Vilma Santos ang kanyang pagkagiliw sa apo kay Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Baby Peanut na tinatawag din nilang si Baby Rosie.



@starforallseason3 Keep on dancing!😁💃🌹♥️ #foreveryoung #fyp #foreveryoungdancechallenge ♬ original sound - Vilma Santos Recto

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo