Andrea Brillantes!! Naglabas Ng Sama Ng Loob Kay Ricci Rivero!

Huwebes, Hunyo 15, 2023

/ by Lovely

Hanggang taon ay usap-usapan pa rin sa ilang mga social media platforms ang hiwalayan ng actress na si Andrea Brillantes at Basketball player na si Ricci Rivero.


Matatandaan na kinumpirma mismo ni Ricci sa kanyang tweet ang nangyaring hiwalayan sa pagitan nila ni Andrea Brillantes. Ayon sa pahayag ni Ricci Rivero, pinili nilang maging pribado ang kanilang hiwalayan para maisave pa nila ang kanilang friendship natira.


Sa isa pang tweet, inamin ni Ricci Rivero ang lahat ng faults sa nangyaring hiwalayan. Humingi rin siya ng pang-intindi sa lahat ng mga netizens para sa kanilang desisyon ni Andrea.


"I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through."


"Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship. I hope let’s stop creating your own versions and dragging other characters into these false accusations."


"I am sorry for whatever disappoinments it may have caused you - for everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully without hate and pain"


Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon si Andrea Brillantes ang unang nakipaghiwalay kay Ricci Rivero dahil mahuli umano ito ng aktres na may ginagawa.


Labis umano ang pagseselos ni Andrea kaya naman tuluyan na niyang binitiwan si Ricci na humiling pa na huwag munang isa-publiko ang kanilang hiwalayan.


Sa kabilang banda naglabas na ng pahayag si Andrea Brillantes hinggil sa hiwalayan nila ni Ricci Rivero.


Inamin ni Andrea Brillantes na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tuluyang nakakamove on sa hiwalayan nila ni Ricci Rivero. Subalit alam umano niyang darating rin ang araw kung saan tuluyan na niya itong malelet go.


“Parang hindi pa po ako malaya fully. Tingin ko kasi kapag sinabing freedom, meron ding part dun ng acceptance kasi na-accept mo na na kailangan mo nang i-let go yung mga bagay-bagay. Ako po kasi aminado ako na since ang bago-bago pa lang po talaga ng lahat at naging totoo kasi sa akin lahat,” pag-amin ng aktres.


“Ako, nagmahal ako nang totoo e. Hindi ko ‘yun male-let go agad-agad. So hindi ko masasabing malaya ako nang 100 percent kasi may mga bagay pang ayoko pang pakawalan at may mga bagay pang pina-process ko pa.”


Pagpupunto pa ni Andrea, “Normal lang naman dapat namnamin ko tong mga feelings na ‘to para makapag-heal ako nang maayos. Ayoko namang maging pretentious na maki-trend lang na ‘I’m unbothered’ para lang masabi na unbothered queen. Aminado ako na nakakaramdam ako kasi tao pa rin po ako.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo