Carmina Villaroel "Pinag-Resign" Na Ang Mga Anak Niya Sa Eat Bulaga!

Huwebes, Hunyo 15, 2023

/ by Lovely


Tila hindi na kinaya ng actress na si Carmina Villaroel ang mga natatanggap na pambabatikos at masasakit na salita para sa kanyang kambal na anak.


Ang kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy Legaspi ay kabilang sa mga nakakatanggap ngayon ng kaliwa't-kanang pambabatikos dahil sa pagtanggap sa offer ng TAPE Inc. na maging host sa kanilang revamped Eat Bulaga.


Matatandaan na nauna nang ipinahayag ni Mavy Legaspi na pinayagan sila ng kanilang mga magulang na tanggapin ang offer ng TAPE Inc. dahil gusto nila ng kanyang kambal na mahasa ang kanilang hosing skills ng kanyang kapatid.


Subalit, tila pasensya nila ang nahasa dahil agad silang nakatanggap ng mga pambabatikos mula sa mga netizens na hindi matanggap ang panibagong hosts ng Eat Bulaga.


Nauna na ring isiniwalat na ang kanilang ina na si Carmina ang mas naapektuhan ngayon sa natatanggap nilang kanegahan sa social media.


Kaya naman, usap-usapan ngayon sa social media ang pag-alma ni Carmina at pinapatigil na umano ang kanyang mga anak sa pagiging host ng rebranded Eat Bulaga ng mga Jalosjos.


Hindi na umano makayanan ni Carmina ang pambubully na ginagawa ng mga netizens at televiewers sa kanyang kambal na anak na sina Mavy at Cassy.


Hindi rin umano maintindihan ni Carmina Villaroel kung bakit binabatikos at kinukumpara sa mga dating hosts ng show sina Mavy at Cassy kasama ng iba pang bagong hosts ng Eat Bulaga.


Gayung ang layunin lamang umano ng mga ito, kasama na ng kanyang mga anak ang mahasa ang kanilang talento at makakapagbigay ng saya at tuwa sa mga manonood ng show.


Usap-usapan din ang pag-iyak ni Cassy sa dressing room ng Eat Bulaga dahil sa mga nababasa umano nitong negatibo mula sa mga netizens sa social media.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo