Jessica Soho Tumangging Maging Guest Niya Si Vice Ganda Sa KMJS

Biyernes, Hunyo 30, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang pahayag ni Vice Ganda kung saan tila nagbigay siya ng pahiwatig na nais niyang maging guest sa programa ni Jessica Soho sa KMJS.


Inilabas ito ni Vice Ganda noong June 28, 2023 habang nagaganap ang contract signing sa pagitan ng ABS-CBN at GMA7 para sa pagpapalabas ng It's Showtime sa GTV, isang subsidiary channel ng GMA7.


“Napag-usapan namin ni Tita Cory, kasi siyempre magpu-promote. Sabi ko, meron lang akong request, since maggi-guest tayo sa ibang GMA shows, puwede ko bang i-request na mag-guest ako sa programang ito. Gusto ko lang lumabas sa programang ito, kung uubra lang,” saad ni Vice Ganda.


Subalit, ayon sa mga usap-usapang nakarating kina Manay Cristy Fermin, tumanggi umano si Jessica Soho na maging guest si Vice Ganda.


"’I’m sure ‘Nay, Ms. Jessica Soho will decline. Pinsan ko ang make-up artist ni Ma’am Jessica, ayaw niya,’" pagbabasa ni Manay Cristy Fermin sa mensahe mula sa kanyang source.


Matatandaan na nagkaroon ng isyu sa pagitan ng dalawa noong magbiro si Vice Ganda at kinumpara si Jessica Soho sa 'lechon'.


Agad namang humingi ng paumanhin si Vice Ganda kay Jessica nang umani ng pambabatikos ang kanyang naunang pahayag. Tinanggap naman ito ni Jessica Soho na nag-iwan ng mensaheng sana ay sincere si Vice at mula sa puso talaga ang paghingi ng tawad sa kanya.


“I sincerely hope and pray that this was done with the purest intentions and determination to put this issue behind us.” 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo