Cristy Fermin, Nagbigay Ng Komento Sa Interview Ni Ricci Rivero

Huwebes, Hunyo 29, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan pa rin ngayon sa iba't-ibang social media platforms ang nangyaring interview ni Ricci Rivero sa Fast Talk with Boy Abunda.


Maging ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ay nagbigay na rin ng kanyang saloobin at komento sa mga isiniwalat ni Ricci Rivero.


Matatandaan na sa guesting ni Ricci sa Fast Talk With Boy Abunda sinagot at inilabas niya nag kanyang side sa nangyaring hiwalayan nila ng aktres na si Andrea Brillantes.


Ayon kay Ricci Rivero, magsasalita na siya dahil hindi na niya nakayanan ang mga pambabatikos sa kanya at sa kanyang pamilya na dinadamay na umano ng mga fans ni Andrea.


Muli din niyang pinabulaanan ang pagkakadawit sa pangalan ni Leren Mae Bautista sa naging break up nila ni Andrea. Maging ang sinasabing babaeng nadatnan ni Andrea sa condo ay nilinaw din ni Ricci Rivero.


Ayon kay Ricci Rivero, totoong may babae na nadatnan si Andrea sa loob ng kanyang pamamahay pero hindi umano sa kanya ang babae kundi sa kanyang kaibigan.


Isiniwalat din ni Ricci ang ilang pribadong detalye sa relasyon nila ng aktres kagaya na lamang sa pagsasama nilang pagtulog sa kanilang bahay at sa bahay nila ni Andrea.


Samantala, nagbigay naman ng komento si Manay Cristy Fermin sa ginawang interview ni Ricci at mga detalyeng isiniwalat niya rito.


"Gustong mag-showbiz kaya nagpapakontrobersiyal si Ricci Rivero,” pagbabasa ni Manay Cristy Fermin sa komento ng mga netizens sa naging interview ni Ricci kay Boy Abunda.


Agad naman niya itong sinigundahan dahil lumalabas umanong ito talaga ang totoong pakay ni Ricci Rivero sa kanyang interview.


“Eksakto ‘to. Mahilig humarap sa kamera. Para sa kanya siguro, mas malaking mileage kapag siya ang nauna,” paglalahad pa ni Cristy Fermin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo