Herlene Budol Gusto Nang Sumuko Sa Miss Grand International Dahil Sa Natatanggap Na Bashing

Huwebes, Hunyo 29, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng actress-beauty queen na si Herlene Budol sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda na muntik na sumuko sa Miss Grand International pageant dahil sa matinding pambabatikos na natanggap niya matapos ang palpak na sagot niya sa Miss Grand International sashing ceremony.


Bagama't pinagbabawalan, hindi pa rin napigil ni Herlene ang kanyang sarili at nagbabasa pa rin ng komento sa social media. Dahil sa mga matitinding pambabash, hindi na umano naiwasan ni Herlene na isiping sumuko na lang sa kompetisyon, sa kawalan ng kumpyansa sa kanyang sarili.


“Umabot sa punto na hindi ako nakakatulog, hindi ako nakakapag-cellphone, dinelete ko lahat ng apps ko sa cellphone ko at hindi na ako kumakain din ng two days. First time po kasi na ganu’n kadami,” pagsisiwalat ni Herlene Budol.


Hindi na umano naipagtatanggol ni Herlene ang kanyang sarili sa mga natatanggap na bashing ngayon dahil may katotohanan ang mga isyung binabato sa kanya.


Hindi na umano ito katulad noong na isyu siyang nabuntis ni Willie Revillame na naipagtatanggol niya ang kanyang sarili dahil hindi naman ito totoo.


“Pero dito kasi, hindi ko maipagtanggol ‘yung sarili ko kasi alam kong mali lahat ng sagot ko nga raw po.


“Nababasa ko lahat ng comments, sabi ko nga sa kanila, ‘Ang galing niyong mam-bash. Naapektuhan ako.’ ‘Yung mental health ko, zero talaga,’” pahayag ni Herlene.


Dagdag pa niya, “Naisip ko rin ho, kung mag-back out ho ako rito, parang sinabi ko ho sa kanila na ‘yung inspirasyon na sinasabi ko, mawawala, magiging back to zero ‘yung inspirasyon nila.”


Subalit ayon kay Herlene, napagtanto niyang ituloy ang laban para sa mga taong patuloy na naniniwala sa kanya.


“Kung lumaban po ako ngayon, win or lose Tito Boy, kahit lumaban ako ngayon, matalo o manalo ako, at least ‘yung tinatawag nilang inspirasyon, lumalaban lang hanggang dulo.”


“Para sa akin naman po seryoso naman po ako roon sa ginagawa kong ito. Pero hindi ko ho talaga maintindihan ‘yung tanong. Hindi ko ho alam kung bakit kahit sanay naman akong tanungin nang tanungin ng maraming tao.


“Siguro ho noong time na ‘yun wala akong tulog, wala akong kain. Pero hindi ‘yun reason para hindi ako makasagot. Siguro nga ho dahil tinawag na nila akong ‘bobo,’ ‘tanga,’ okay lang po,” pagbibigay paliwanag pa ni Herlene.


Muli ring ipinahayag ni Herlene na pagbubutihan pa niya ang pagsagot sa susunod at sisikapin na gagawin ang kanyang best.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo