Janella Salvador CONFIRM BREAK UP with Marcus Paterson

Biyernes, Mayo 6, 2022

/ by Sparkle

Nakakalungkot na balita para sa mga fans nina Janella Salvador at Markus Paterson dahil hiwalay na umano ang dalawa. Isa sa mga celebrities sina Janella Salvador at Markus Paterson na naghiwalay ngayong taong 2022.

Mainit na usapin ngayon sa social media na hiwalay na diumano sina Janella Salvador at Markus Paterson. Nagsimula ang mga bulong bulungan na ito nang mapansin ng mga netizens na wala nang post ang magpartner na magkasama. 

Madalas na lang na post nila sa kanilang mga social media accounts ay picture together ng kanilang anak o di kaya'y picture nila with thier friends. 

Matatandaang sa nagdaang vlog nina Ogie Diaz kasama sina Mama Loi ay isa sa naging topic nila ang tungkol sa napapabalitang hiwalayan ng dalawa. Ayon kay  Ogie, January pa raw ang huling post nila na magkasama silang tatlo. 

At kung bibisitahin ang mga Instagram account nila kapansin pansin nga na kadalasan na solo pictures na lamang nila ang nandoon pero naka follow pa rin sila sa isa't isa. Kaya naman saad ni Ogie na ayon daw sa kanyang source na mga common friends daw nina Janella Salvador at Markus Paterson, matagal na umanong hiwalay ang dalawa. 

Hindi man daw umabot ng taon ngunit ilang buwan na. Ang naging dahilan umano ng kanilang hiwalayan ay ang drinking habit ni Markus. Kasunod ng pag-inom ay ang anger management issue nito. 

Gayunpaman ay hindi naman daw sigurado si Ogie sa mga narinig niyang iyon mula sa kanyang mga sources. Aniya pa na mas maganda daw kung si Janella mismo ang magsasabi ng tunay na estado ng kanilang relasyon.

Nalungkot ang mga tagahanga nina Janella Salvador at Markus Paterson dahil hindi naging matagumpay ang kanilang pagsasama at nauwi sa hiwalayan.

Isa sa mga sikat na celebrities sina Janella Salvador at Markus Paterson na naghiwalay ngayong taon. Narito naman ang ilang reaksyon mula sa mga netizens tungkol sa isyung ito.

"Hiwalay man sila o hindi baliwala naman yan sa kanila, kaya naman nilang palakihin ang anak nila mag-isa. Tsaka mga bata pa kasi di pa yan sila handa magpatali sa mga responsibilities na pinasok nila."

"Una sa lahat nabigla nga ako noon na sila na pala 2 and hindi ako boto kay Markus para kay Janella. Ok na rin yan na mas maaga pa hiwalay na para hindi masyado kawawa ang babae. At least may anak na si Janella babangon siya para sa anak niya."

"Di na bago ang ganyang nangyari sa mga artista kung kailan may anak na saka maghihiwalay kawawa ang bata."

"Uso na yan sa mga artista parang nagbabahay bahayan lang sila, pagsawa na sa mukha hiwalay na."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo