Xander Ford at Merck Mauuwi Sa Tulfo Dahil Sa Gulpi Na Inabot Sa BOTY

Huwebes, Hunyo 22, 2023

/ by Lovely


 Agad na sinagot ni Christian Merck Grey ang pagbabanta ni Xander Ford na magdedemanda siya dahil sa umano'y pandadaya  nito sa kanya noong boxing match nila sa Battle of The Youtuber.


Matatandaan na agad na bumagsak si Xander Ford sa ikalawang round ng laban nila ni Merck Grey matapos makatanggap ng combo.


Samantala, ilang araw matapos ang naganap nilang laban sa BOTY naglabas ng video si Xander Ford kung saan makikita ang pag-aalaga sa kanya ng kanyang asawa na si Gena Mago.


Sa nasabing video, ipinahayag ni Xander Ford na kulang ang ibinayad sa kanya ni Merck Grey sa kanya at hindi umano siya nakapagpa-check up.


Ipinahayag din ni Marlou ang kanyang pagbabanta kay Merck na idedemanda niya ito dahil sa pandaraya umano sa kanya.


Samantala, agad na sinagot ni Merck Grey ang hamon ni Marlou kung saan sinabi niyang hindi siya natatakot sa mga banta ni Marlou dahil wala naman umano siyang ginawang mali.


Tatlong suntok lamang din umano ang binitiwan niya. Isa may pinirmahan naman umano silang waiver bago sumabak sa labanan.


Sa huli, ipinahayag ni Merck ang kanyang mensahe kay Marlou. Aniya, alam niya na balak na naman ni Marlou na perahan siya kaya ngumangawa na naman ito sa social media at nagpapaawa.


Hindi rin umano siya natatakot sa pagdedemanda nito dahil marami siyang ebedensyang makakapagdiin kay Marlou.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo