Zeinab Harake Dating with Ex-Pba Player Bobby Ray Parks Jr.! Goodbye for Good Skusta Clee?

Linggo, Mayo 7, 2023

/ by Lovely


 Agad na umani ng samu't-saring reaction at komento mula sa mga tagahanga at bashers ng social media personality at influencer na si Zeinab Harake ang larawang ibinahagi ng Pambansang Marites na si Xian Gaza.


Makikita sa leaked photo ni Xian Gaza ang isang tila stolen photo ni Zeinab Harake habang nakaakbay sa kanya ang ex-PBA player Bobby Ray Parks Jr.


Ibinuking pa ni Xian Gaza na ang basketball player na kasalukuyang naglalaro sa Japan's League na si Bobby Ray Parks Jr. ay nanliligaw kay Zeinab Harake.


Dagdag pa ni Xian, na noong April unang nagkakilala ang dalawa. Pinili din umano nilang i-private ang mga ito sa publiko.


Subalit, dahil sa kumakalat na balitang isang kabit si Zeinab Harake napilitan si Xian na linawin sa publiko ang totoong namamagitan sa dalawa.


“GUSTO KO LANG PO LINAWIN SA BUONG SAMBAYANANG MARITES NA ANG BESTFRIEND KO NA SI Zeinab Harake AY HINDI ISANG KABIT."


"NANLILIGAW PO SA KANYA ANG PROFESSIONAL BASKETBALL PLAYER NA SI BOBBY RAY PARKS JR. NA SINGLE AT WALANG ASAWA. KAMI PO AY NAGKITA-KITA SA JAPAN NOONG BUWAN NG ABRIL.”


Dagdag pa ni Xian Gaza, "“HINDI PO AKO NAG-UPLOAD NG KAHIT ANONG LARAWAN DAHIL GUSTO LANG PO SANA NAMIN MAGPAKA-LOWKEY PERO PATULOY NIYO PA RING GINUGULO AT SINISIRAAN YUNG NANANAHIMIK KONG KAIBIGAN."


Hiling pa ni Xian na irespeto naman ng mga netizens ang private life ni Zeinab Harake at lalo na ang kay Bobby Ray Parks Jr.


"NAWA’Y RESPETUHUN PO NATIN ANG KANILANG PRIVATE LIFE, KAHIT HUWAG NA SI ZEINAB, KAHIT SI GINOONG PARKS NA LANG NA WALANG ALAM SA MAINGAY NA MUNDO NG SOCIAL MEDIA. MARAMING SALAMAT PO.”


Samantala, hindi naman napigilan ng ilang mga netizens na mapatabong kung ano kaya ang magiging reaksyon ng OPM Rapper na si Skusta Clee sa pagkakaroon ng panibagong manliligaw ni Zeinab Harake.


Sina Skusta Clee at Zeinab Harake ay dating magka-live in partner. Mayroon silang anak na si Baby Bia na dalawang taong gulang pa lamang.


Matatandaan na hindi naging maayos ang kanilang paghihiwalay dahil iniisyung nagkaroon ng third party ang magkabilaang kampo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo