Kat Alano, Isiniwalat Ang Dahilan Kung Bakit Hindi Siya Nagsampa Nang Kaso Kay #RhymeswithWrong!

Linggo, Mayo 7, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang naging laman ng usap-usapan sa social media ang ibinahaging tweet ng dating aktres na si VJ Kat Alano.


Matatandaan na ilang ulit nang ipinahayag ni Kat Alano na isa siya sa mga biktima umano ng panggagahasa ng celebrity na tinatago niya sa hashtag na RhymesWithWrong.


Sa kanyang mga nakaraang tweet, ibinunyag din ni Kat Alano na kabilang sa #HijaAko movement na nilagyan ng droga ng celebrity ang kanyang inumin noong 2005 hinalay din umano siya nito sa kabila disente niyang kasuotan.


Samantala noong 2014, diretsahang tinanong sa isang radio program si Kat Alano, kung sino ang celebrity na kanyang tinutukoy na humalay sa kanya at sa iba pang mga kababaihan.


Subalit, muli itong hindi sinagot ni Kat Alano na tila ba ay may pumipigil sa kanya. Kaya naman, nagdalawang isip na ang mga netizen kung totoo ba ang mga inirereklamo ni Kat Alano dahil hindi man lang ito nagsampa ng kaso sa taong kanyang tinatago sa #RhymesWithWrong.


May mga nagdududa na tuloy kung totoo ba ang kanyang inirereklamo o kung nakikisawsaw lamang ito sa inirereklamo ng iba.


Samantala, sa kamakailang tweet ni Kat, tila binigyan na niya ng kasagutan ang mga pagtataka ng mga netizens sa kung bakit hanggang parinig lamang siya sa taong lumapastangan sa kanyang katawan at dignidad.


Ayon kay Kat na sa taglay na koneksyon ng taong ito tiyak umano na kahit anong kasong i-file dito ay mababasura. Ang uncle kasi umano nito ay right hand ng isang former President ng Pilipinas.


“BTW, for everyone asking why I never filed. His uncle made sure that all cases against him would be dismissed. I found this out first hand."


"Also they have been waiting to file a case against me to silence me & discredit me in the media, knowing I could never get justice by filing,” tweet ni Kat Alano.


Ang ibinahaging ito ni Kat ay siyang nagbibigay linaw kung bakit pinili niyang sa social media na lamang mag-ingay at itago na lamang sa pamamagitan ng hashtag ang totoong pangalan ng celebrity.


Gayunpaman, hindi naman sinabi ni Kat Alano kung sinong Former President ang kanyang tinutukoy sa kanyang tweet.


Sa kabilang banda, may ilang netizens naman na nagbibigay ng simpatya sa kalagayan ni Kat at hiniling na makamtan na nito at ng iba pang mga biktima ang hustisya na matagal na umanong naging mailap sa kanila.


“Kat Alano, Roxanne CabaƱero, Mai Fajardo, Denise Cornejo are all Vhong Navarro’s victims who bravely came forward for justice even when no one believed them. Remember their names. #rhymeswithwrong.”


Bagama't walang diretsahang pag-amin mula kay Kat Alano marami ang nag-iisip na si Vhong Navarro ang kanyang tinutukoy sa kanyang mga post.


Matatandaan na minsan nang nakulong ang actor-host na si Vhong Navarro dahil sa mga kasong isinampa sa kanya ng dating modelo na si Deniece Cornejo.


Unang nakalabas si Vhong Navarro sa bisa ng pagbabayad ng pyansa. Subalit, kalaunan ay lumabas din ang court order ng pagbabasura sa mga kasong isinampa ni Deniece dahil sa pagiging inconsistent ng mga statements nito.


May lumabas din noon na ilang reports tungkol sa tatlong reklamong hinarap ni Navarro laban sa dalawang babae at isang lesbian. Subalit, lahat ng mga reklamong ito ay binasura lamang ng Department of Justice.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo