Rendon Labador Pina-Auction Ang Motivational Na Unang Ibinenta Sa Kanya!

Linggo, Mayo 7, 2023

/ by Lovely

Agad na umaani ng samu't-saring reaksyon ang ginawang pagpapa-auction ng motivational speaker na si Rendon Labador sa motivational art na ginawa ng anim na mga artist.


Sinubakan ni Rendon na i-auction ang ginawang 'rice husks art' na mukha niya na tinawag pang motivational art ng mga gumawa. Dinagdagan pa ito ni Rendon Labador ng kanyang autograph upang makadagdag umano sa value nito.


Hiniling pa ni Rendon Labador na umabot sa isang milyon ang bid para sa nasabing art. Ipinahayag pa niyang 50% ng kikitain sa auction ay itutulong niya sa mga farmers.


“Sana paabutin natin ng 1 million to no," hiling ni Rendon Labador.


“Bilang influencer gusto kong gamitin ang boses ko para sa kabataan, para sa mga Pilipinong farmers natin,” dagdag pa ni Rendon Labador.


Present naman sa nasabing auction ang mayor ng Ramon Isabela na si Jess Laddaran.


Matatandaan na nitong nakaraang mga linggo, hinamon ng mga artists sa Ramon, Isabela sa pangunguna ni Giovani Garinga.


Nang makarating ito kay Rendon Labador agad silang inimbitahan nito sa kanyang restaurant upang makipag-usap at ihayag sa mga ito ang plano niyang auction sa motivational art na ginawa nila.


Hindi naman ibinahagi ni Rendon Labador kung nabili ba at kung sakali magkano naman ang halaga nito.


Samantala, may ilang mga netizens ang napapatanong kung bakit kinailangan pang ipa-auction ni Rendon Labador ang art na para naman sa kanya umpisa pa lang.


Gayunpaman, may pumuri naman sa kanyang iniative sa pagtulong sa mga nangangailangang farmer.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo