Xander Ford Umalma Sa Kondisyon Ni Makagwapo Sa pagbibigay sa Kanya ng 350 Thousand Pesos

Huwebes, Mayo 25, 2023

/ by Lovely


 Agad na naglabas ng reaction video si Xander Ford kilala rin bilang Marlou Arizala sa kondisyon ni Christian Merck Grey aka MakaGwapo.


Sa inilabas na video ni Christian Merck Grey, binigyan niya ng kondisyon si Xander Ford na nais niyang ideposito nila agad sa bangko ang pera sa account na nakapangalan sa anak ni Xander na si Baby Xeres.


Subalit, hindi ito nagustuhan ni Xander Ford at sinabing walang karapatan si Christian Merck Grey na makialam sa ibibigay nitong pera dahil siya naman ang ama ni Xeres.


Ipinunto pa niya na ang 349 thousand na hinihingi niya ay ang kabuuan na nagastos sa kanilang pagpapabinyag.


Ipinunto rin ni Xander Ford na hindi siya pupunta sa bahay nito dahil natatakot siyang baka may masamang mangyayari sa kanya.


Bagkus si Makagwapo na lamang umano ang magpunta sa kanya o di kaya ay magmeet nalang sila sa ibang lugar.


Samantala, dahil sa ginawang video na ito ni Xander Ford lalo pang nadagdagan ang inis sa kanya ng mga netizens.


"Kung ako asawa nito, di ko na talaga kakausapin to. Gena Mago, mag-isip ka na talaga hahaha. Kahit forda vlog to, grabe kahihiyan yan. Ayoko madikit pangalan ko dyan kapag ganyan hahaha."


"Tama Naman si merk para LNG Yan SA inaanak nya ,,at Baka gagastohin LNG nila Xander Arizala, SA mga Luho nila , magpaka Tino! kana nga, wala Kasi tiwala si merk sayo ehh Baka nangangailangan kalng Ng Pera Kaya pinipilit mo sya"


"Dapat c merk maging mautak dn tym deposit nya para sa bata.d ung bigay nya sa magulang.para pag dating ng tama na edad ung bata makuha nya.kac para sa bata un db...ganun gawin ni merk"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo