Barbie Forteza at Jak Roberto May Mensahe Sa Isa'T Isa!

Miyerkules, Mayo 24, 2023

/ by Jerome

 


Nagpakilig sa social media ang magkasintahang sina Barbie Forteza at Jak Roberto, kasabay ng kanilang 6th anniversary bilang magkasintahan.


Nagbahagi silang dalawa ng mga sweet na mensahe para sa isa't-isa, at kasama na ibinandera ang ilang mag larawan habang nagdidinner sila sa isang restaurant para ipagdiwang ang anibersaryo nilang dalawa.


Inihayag nga ng actor sa kanyang Instagram post ang kanyang pasasalamat kay Barbie.


Ayon kay Jak na, bilib daw siya sa effort na ginagawa ni Barbie, upang mabalansi ang mga responsibilidad nito sa buhay.


Aniya, "11:11 Happy 6th Anniversary Madam! Gusto ko lang magpasalamat sayo sa lahat ng effort mo na mai-balance ang lahat… sa Career, sa Love, sa Family at sa lahat ng responsibilidad mo sa buhay."


"Masaya ko kapag nakakapag quality time tayo after ng trabaho dahil nakikita kong sulit na sulit sayo yun, nakikita ko kung gaano ka kasaya pag nakakapagbakasyon tayo and I’m so proud of you Mahal ko!"


Dugtong niya pa, "Congratulations sa lahat ng success mo! Kahit ano man ang sabihin at isipin ng iba! Nandito parin ako, susuporta at mamahalin ka palagi! Mahal na mahal po kita ❤️❤️❤️"


Nag pasalamat din siya sa nag-organize sa romantic dinner nila ni Barbie. "Thank you Ms. Celine Arenillo for organizing this romantic dinner for Barbie and I @tazafreshtable"


Sa Instagram ay nag post din si Barbie para sa mensahe niya sa nobyong si Jak Roberto. 


Ani Barbie sa kanyang post, "You are the most understanding, patient and supportive man any woman could ask for. I don’t know how you do it but thank you so much for loving me the way you do. Greatest reality.Dito lang din ako para sayo, mahal ko. We got this."


"11:11 Happy 6th. I love you so much."


"Thank you, Ms. Celine Arenillo for arranging this special night for us @tazafreshtable 🙏🏻"


Agad naman na inulan ng mga mensahe ng pagbati ang natanggap nina Jak at Barbie, mula sa mga netizens at sa mga kaibigan nila sa showbiz.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo