Xander Ford Nalungkot Sa Pagtanggi Ni MakaGwapo Na Bayaran Ang 349K na Pangako Para Binyag

Huwebes, Mayo 18, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang content creator na si Christian Merk Grey kilala rin bilang MakaGwapo sa paniningil ni Xander Ford sa halagang 349 thousand.


Itinanggi ni Christian Merck Grey na nangako siyang magbibigay ng ganoong halaga kay Xander Ford. Hindi rin umano siya binigyan ng invitation para sa binyag kaya hindi umano pormal ang pagiging ninong niya kay Xeres.


Gayunpaman, inamin ni MakaGwapo na nagbiruan sila noon ni Xander Ford kung saan pabiro niyang sinabi na handa siyang sagutin ang binyag ng anak nito.


Kasunod nito, ipinahayag ni Xander Ford ang kanyang pagkalungkot dahil hindi siya binigyan ni MakaGwapo at itinanggi pa nito ang pangako na inasahan nila.


“SUMAGOT NGA PERO GANUON TALAGA PAG DATING SA HULI AKO PARIN ANG MALI,” saad ni Xander Ford.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. May mga nagbigay ng pangaral sa kanya na huwag iasa ang mga gastusin tulad ng pagpapabinyag sa mga kinuhang ninong at ninang.


"Magipon po bago magbaby para di aasa sa bigay ng iba. Ganun lang po kasimple ang buhay.Nakakadiring mindset po yung nakasalo ang kamay sa iba tapos pag di nabigyan, nagagalit. Ang tulong po ay hindi obligasyon. Ang perang hinihingi mo ay pinaghirapan parin ng ibang tao.


Kung ikaw ay Ninong ng baby ng tropa mo at hinihingian ka ng ganung kalaking pera ng ganun ganun nalang, matutuwa ka ba? Tatay ka po. Wag mo pakargo sa iba ang anak mo. Di kasama ang ibang tao nung ginawa mo anak mo."


"Eh Mali ka naman talaga Kahit nung umpisa palang! Maling Mali yung iasa mo sa iba yung Binyag ng anak mo! Responsibilidad nyo yan bilang magulang. Magbigay o Hindi Ang Ninong at Ninang Hindi sila dapat inoobliga! Lesson Learned sayo yan!"


"Wag Ka nga ingrato,Tama Naman din sya na di dapat umasa sa ninong ninang,para masagot ang binyag Ng anak mo,,kayo Ng kinakasama Ang may responsibilidad Niyan.asa Ka Kasi Alam mo Naman,pinagtitripan Ka lang"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo