Kontrobersyal Na Pagsasama at Relasyon Ni Jake Cuenca at Chie Filomeno May Pag Amin Na?

Martes, Mayo 9, 2023

/ by Jerome

 


Award winning hunk actor na si Jake Cuenca diretsahang inamin sa publiko na may pagtingin siya sa actress na si Chie Filomeno.


Kamakailan lang ay naging sentro ng usapan sa social media ang tila namumuong pag-iibigan sa pagitan nina Jake Cuenca at Chie Filomeno.


Ito ay matapos na ma interview ng media si Jake, kung ano nga ba ang tunay na real score nito sa actress, sa katatapos lamang na Star Magic Hot Summer.


Makikitang lahat sila ay puro magaganda at sexy sa event nitong nagdaan lang na May 4, 2023.


Dito nga ay walang paligoy-ligoy na inamin niya, ang kanyang  admiration sa sexy actress.


Aniya, "I'm admiring her, I guess I can say that. Alam niya na I'm Admiring her, but for anything it is just something, anu lang matagal na naming kilala ang isa't-isa, and we are enjoying each others company."


Kungmatatandaan ay umugong noon ang spekulasyon sa pagitan ng dalawa, matapos sa walang humpay at palaging present sa pagkomento sa mga post ng actress na si Chie Filomeno ang actor na si Jake Cuenca.


Kasama na nga din dito ang tila pagpapapansin nito sa actress sa social media.


Sa tila pabitin na pag amin na nga ng actor ngayon ay kapansin-pansin na tila may something na nga ang dalawa. 


Lalo na ay may nakitang larawan na magkasama sa picturial  ang dalawa sa nasabing event na iyon, na collaboration ng star magic.


Samantala, matatandaang huling nakarelasyon noon ng actor ay ang beauty queen at actress na si Kylie Verzosa.


Namatatandaang noong taong 2022, ay inanunsyo ni Jake Cuenca sa kanyang social media account na hiwalay na sila ng kanyang nobya.


Na kung saan ay marami nga ang nagulantang sa ibinahaging ito ng actor noon, lalo pa at medyo matagal-tagal na din ang relasyon nila.


Samantalang, ang sexy actress ay single parin hanggang ngayon at matatandaang na ilink pa nga ito kay Kyle Echarri, noong taong 2021.


Sa ngayon nga ay kinilig ng sobra ang mga fans ng dalawa sa balitang ito, dahil tila handa na ngang umibig muli si Jake Cuenca.


Matapos ang nakakalongkot na hiwalayan nila ng kanyang ex-girlfriend noon na si Kylie Verzosa.














Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo