Ang Malaking Kaibahan Ng TVJ Kay Willie Revillame!

Lunes, Mayo 29, 2023

/ by Lovely


 Hindi napigilan ng veteran showbiz columnist na si Manay Lolit Solis na maikumpara si Willie Revillame sa iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


Sa isang Instagram post, ipinahayag ni Lolit Solis kung ano ang kanyang napapansin sa pagitan ng mga host na nabanggit.


Ayon kay Lolit Solis, malaki ang kaibahan ng TVJ kay Willie Revillame sa maraming bagay.


"Kung si Willie Revillame walang mapuntahan network, Salve, iba naman ang TVJ na pinag aagawan talaga." 


"Kaya kung anuano ang mga balita na kumakalat kung saan talaga lilipat ang Tito, Vic and Joey. Hangga ngayon talagang nasa top of the line parin sila, malaking addition sa network na lilipatan nila."


"Malaking karangalan maging artists sila ng anuman istasyon. Sa tagal nila sa showbiz hindi sila nagkaruon ng anuman issue pagdating sa trabaho. Kaya naman hangga ngayon lahat ng network open para sa kanila,"  pahayag ni Lolit Solis sa caption ng kanyang post.


Ipinahayag pa ni Manay Lolit Solis, na kahit anong mangyari mananatiling haligi ng industriya sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


"Meron mga gusto silang lagyan ng dumi pero hindi nagtatagumpay dahil narin sa very professional sila. Tito Sotto, Joey de Leon at Vic Sotto, mananatili silang haligi ng entertaintment industry. Forever TVJ, bongga Salve at Gorgy, clap clap tayong lahat."





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo