Vice Ganda Humirit Sa Mga Fans Matapos Ang Pagkakaospital!

Lunes, Mayo 1, 2023

/ by Lovely


 Labis na nag-alala ang mga fans ni Vice Ganda matapos nitong maospital kamakailan lamang.


Matatandaan na ibinahagi ni Vice Ganda noong April 28 ang kanyang larawan habang nakasuot ng hospital gown na labis na ikinabahala ng kanyang mga fans.


Makikita rin naman na naroon at nakaalalay sa kanya ang kanyang mister na si Ion Perez.


Bagama't hindi naman niya nilinaw ang dahilan kung bakit siya nasa hospital, siniguro naman ni Meme Vice na very healthy siya.


“All clear. All good. Thank you Lord! Tuloy ang rampa!” tweet ni Vice Ganda kalakip ang hashtag na Healthy si Meme.


Agad namang nagpahayag ng kasiyahan ang mga fans ng Unkabogable Star.


“Thank you Lord for making my Meme healthy [folded hands emoji] always take good care of yourself @vicegandako [emojis] nakakadurog ng puso makita kang may sakit [sad face emoji]…Love you!”


“Aww! Thank youuu so much Lord healthy ang mommy namin. Take care always mum! I love you so much!!!”


“Thanks be to God.. we still need you here on earth.. kailangan ko pa ang GV GV mo.. always praying for your health and safety.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo