Valentine Rosales Napa-React Sa Pagpapagawa Ng Ilong Ni Antonette Gail!

Lunes, Mayo 1, 2023

/ by Lovely


 Maging ang social media personality at influencer na si Valentine Rosales ay nagbigay rin ng reaksyon at komento sa iniintrigang pagpapagawa ng ilong ng fiancee ni Whamos Cruz na si Antonette Gail Del Rosario.


Ayon sa pagbabahagi ni Antonette na kinailangan niyang sumailalim sa nose surgery dahil aksidenteng tumama ang kanyang ilong sa lamp shade na nagresulta ng pagkabali sa buto niya sa ilong at nahihirapan siyang huminga.


Kasunod nito, ibinahagi naman niya ang video kung saan makikitang namamaga ang kanyang mukha dala ng  ginawang nose surgery sa kanya.


Sa kabila ng pagpapahayag ni Antonette Gail na nasangkot siya sa isang aksidente, marami pa rin ang hindi naniniwala rito at binatikos si Antonette dahil hindi umano ito nakuntento sa kanyang hitsura.


Samantala nagbigay naman ng komento si Valentine Rosales hinggil ginawang procedure ni Antonette.


Tila hindi rin siya kumbinsidong nabalian ito ng ilong nangdahil lamang sa isang lampshade.


“Natamaan lang ng lamp nabali agad ang buto aba magaling.”


Subalit kaagad naman itong binarda ng isang netizen at sinabihang nagpapansin at sumasawsaw lamang sa isyu gayung nagpagawa rin naman ito ng ilong.


“Papansin… nagpagawa ka rin naman… Baka akala mo nakalimutan na namin na sangkot ka sa pagkamatay ng flight attendant…”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo