Vic Sotto May Idinagdag Sa Pagsisiwalat Ni Tito Sotto Tungkol Sa Eat Bulaga!

Lunes, Mayo 8, 2023

/ by Lovely


 Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na si Vic Sotto patungkol sa kasalukuyang nangyayari sa longest running show na Eat Bulaga.


Matatandaan na nauna nang ipinahayag ni Tito Sotto sa kanyang mga naging interviews na hindi nakakatanggap ng sweldo si Vic Sotto mula sa TAPE Inc.


Kaya naman nagsalita na si Bossing Vic Sotto at nilinaw na ang naunang pahayag ni Tito Sotto.


Inamin ni Bossing na matagal na ngang hindi siya nakakatanggap ng sweldo mula sa TAPE Inc. sa pagiging host niya sa Eat Bulaga.


Sinagot rin niya ang ilang mga netizens na nagtatanong kung kakasuhan ba niya ang TAPE Inc. dahil dito.


Kinumpirma kamakailan ni Vic Sotto na may utang sa kanya ang TAPE dahil sa hindi pagbabayad ng kanyang talent fee. 


Naunang, isiniwalat ng kanyang kapatid na si Tito Sotto na umabot na ito sa P30 milyon. Gayunman, iwinasto iyon ni Vic Sotto at sinabing ito ay ang hindi nabayarang talent fee ni Joey de Leon na P30 milyon ngunit ang utang ng TAPE sa kanya ay lumampas na sa halagang iyon.


Ipinahayag din noon ni Tito Sotto na humihingi na siya ng tulong sa Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa bagay na ito dahil diumano ay binabawas pa rin ng TAPE ang buwis ni Vic kahit hindi pa nababayaran ang mahigit P30 milyon niyang talent fee.


Sa kabila ng hindi pagpapasweldo, nilinaw naman ni Vic Sotto na wala siyang balak na kasuhan ang TAPE Inc. bagkus ninanais niyang aabut sa 50 years ang Eat Bulaga.


“Wala, hindi ako gan’un. Kung mababayaran ako, eh ‘di well and good. Kung hindi naman, eh ‘di, ayos lang,” saad ni Vic Sotto.


Ipinunto pa nito na hindi lahat ng bagay ay nadadala at nasesettle dahil sa pera.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo