Maine Mendoza Nagpaalam Na!

Lunes, Mayo 8, 2023

/ by Lovely


 Nagpaalam na ang actress-host na si Maine Mendoza sa kanuang katauhan bilang si Stacy.


Labis ang pasasalamat ni Maine sa lahat ng mga sumuporta at sumubaybay sa kanilang television sitcom kasama ang aktor-host na si Bossing Vic Sotto na Daddy's Gurl.


“The Otogans are signing off. Thank you, Bossing. Thank you, DG fam. Grateful for many things. Thank You,” pahayag ng aktres sa kaniyang Facebook post kalakip ang larawan niya kasama si Vic Sotto na gumanap bilang si Barak Otogan.


Ang Daddy’s Gurl ay umere sa GMA7 loob ng apat na taon at tuluyan na ngang nagtapos na nitong Sabado, May 6, 2023.


Kahit pa nagtapos na ang television series na Daddy's Gurl nitong May 6, magkakaroon pa rin ng replay ng mga nakaraang episode sa darating na May 13 at May 20.


Sa loob ng apat na taong pag-ere ng Daddy’s Gurl, nagwagi ng ilang mga parangal si Maine Mendoza.


Taong 2019 nang parangalan siya bilang 'Pinaka-magiting na Personalidad ng Comedy Show' in the 7th Kagitingan Awards for Television of the Bataan Peninsula State University at 'Best Comedy Actress ng Star Awards for Television'.


Matatandaan na nauna nang naiulat ang pagbabalak ni Maine Mendoza na pansamantalang pagtigil sa showbiz upang matutukan niya ang paghahanda sa nalalapit na pagpapakasal nila ng actor-politician na si Arjo Atayde.


Si Maine Mendoza ay isang performer, TV-host, actress. Una siyang nakilala sa Kalye Serye ng Eat Bulaga kung saan nakatambal niya ang aktor na si Alden Richards. Labis ding hinangaan ng mga netizens ang kagalingan nito sa pagdudub-mash kaya naman binansagan din siya noon bilang si Yaya Dub.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo