Angeline Quinto, Pinersonal Ang Isang Netizen Na Binalikan Ang Kanyang Pagkakamali sa Stage!

Lunes, Mayo 8, 2023

/ by Lovely


 Agad na nagviral online ang pa-throwback video ng isang netizen tungkol sa pagkakamali noon ni Angeline Quinto sa ASAP stage.


Sa in-upload na video ng netizen na Mommy Divine ang user name, makikitang naglalakad si Angeline papunta sa stage subalit mabilis na umalis nang ma-realize niyang hindi pa siya dapat pumasok.


Makikita naman na sina Klarrise De Guzman at Jed Madela ang kasalukuyang nagpeperform sa panahong iyon.


“NAKAKATAWA! Proof na kahit champions nagkakamali whahaha naloka ako kay Angeline Quinto sabi niya ay teh tapos na pala exit na ako. Si Jed Madela naman hindi sumunod sa sabi ni Klarisse na sa Pangarap Mo nalang sila kakanta nakakaloka whahhahaa,” pahayag ng netizen.


Tila hindi naman nagustuhan ng singer na si Angeline Quinto ang ginawang ito ng netizen. Dahil sa kasunod na update ng nasabing twitter user, ipinahayag niyang naka-blocked na siya sa account ni Angeline.


“Nablock agad ako ni Mareng Angge whahahahhahaa napikon ata si momshie melai charing whahahaha.”


Si Angeline Quinto ay isang Filipina singer, actress, at TV personality. Kilala sa kanyang vocal range at soulful na singing style.


Umaani ng papuri ang music ni Angeline Quinto dahil sa mga lyrics nitong mga tema ng pag-ibig, dalamhati, at empoerment. Itinampok ito bilang mga soundtrack ng maraming pelikula at TV series sa Pilipinas.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo