Valentine Rosales Nasermunan Ni Tuesday Vargas

Linggo, Mayo 14, 2023

/ by Lovely


 Agad na sinermunan ni Tuesday Vargas ang social media personality na si Valentine Rosales matapos nitong kumampi kay Rendon Labador.


Matatandaan na kamakailan lamang ay binatikos ni Rendon Labador ang comedian-screen writer at singer na si Michael V. at sinabihang laos na.


Agad itong inalmahan ng ilang mga celebrities kabilang na nina Kim Atienza, Joross Gamboa, at Tuesday Vargas.


“Director, artista, writer siya at respetado siya sa industriya. Hindi siya nakikipag kumpetensya sa iyo. Kung ako ang tatanungin, iyo na ang milyon mong taga hanga. 


Mas pipiliin ko yung talentadong tao na makaka hubog ng kamalayan ng manonood any day kesa sa iyong malaki umano ang clout pero walang respeto,” pahayag ni Tuesday kay Rendon Labador.


Kaagad namang nagbigay ng komento si Valentine Rosales at ipinuntong laos na rin si Tuesday Vargas kaya hindi na dapat pang makisawsaw umano.


“Tuesday wag ka nga makialam, laos ka na din si Wednesday na ang uso ngayon, kung sasawsaw ka kakampihan ko na din si Rendon, wala naman masama sa sinabi niya. He is just stating facts and his opinion,” pagtatanggol ni Valentine Rosales kay Rendon Labador.


Hindi naman ito pinalampas ni Tuesday Vargas at kaagad na sinermunan si Valentine Rosales.


“Ano ‘to? Parang bata na may kampihan na nagaganap? Nililiwanag ko na wala akong inaaway na kahit sino. Ipagdadasal ko na lang ang kaliwanagan ng isip mo. Kung sa tingin ninyo na ang pang lilibak ng kapwa ay walang bahid ng kasamaan ay talagang nakaka bahala na yan.”


“Hindi barometer ang fame or pre requisite para matutong gumalang at rumespeto sa kabuhayan at craft ng ibang tao. Kailangan todo sikat ako to be heard? Kahit ordinaryong mamamayan ay nasaktan sa mga nasabi.”


Pinayuhan din ni Tuesday Vargas si Valentine Rosales na mas maging productive kaysa makipag-away sa social media.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo