Bohol Sigaw Ng Mga Pageant Fans Matapos Ang Miss Universe Coronation!

Linggo, Mayo 14, 2023

/ by Lovely


 “Bohol” sigaw ng mga pageant fans matapos makoronahan ang Miss Universe Philippines 2023 si Michelle Dee mula sa Makati City.


Sa naganap na Miss Universe Philippines Coronation nitong May 13, 2023 sa SM Mall of Asia Arena, kung saan isa sa mga sumubok na masungkit ang korona ay si Michelle Dee na maituturing pageant veteran.


Matatandaan na si Michelle Dee ang nakoronahan Miss Philippines International noong 2019, subalit hindi niya nasungkit ang korona ng Miss International.


Noon pa man ay umaasa na ang mga fans ni Michelle Dee na muli itong sasabak sa ibang beauty pageants kaya naman labis na natutuwa sila sa pagsali ni Michelle Dee sa Miss Universe Philippines.


Sa naganap na pageant, ipinakita ni Michelle Dee ang kanyang galing at ang kanyang kahandaan na maiuwi ang korona at mairepresent ang bansa sa Miss Universe stage.


Nauna nang ipinahayag ni Michelle Dee na nais niyang iregalo sa kanyang ina ngayong Mother's Day ang kanyang tagumpay at ang korona ng Miss Universe Philippines.


Nagtagumpay naman si Michelle Dee dahil siya ang itinanghal bilang Miss Universe Philippines 2023.


Gayunpaman, tila may ilang mga pageant fans na hindi matanggap ang pagkakapanalo ni Michelle Dee.


Kumakalat ngayon sa twitter ang isang video clip kung saan isinisigaw ng mga tao na palabas mula sa Mall of Asia Arena ang Bohol kung saan si Pauline Amelinckx.


Marami kasi sa mga pageant fans ang naniniwalang mas deserve umano ni Miss Bohol Pauline Amelinckx ang korona ng Miss Universe Philippines 2023.


"They witnessed a cooking show"


“Isang malaking sampal yan sa kanila,hayss Pau deserves better!!”


“Pauline was such a good miss universe material”


Samantala, kaagad naman dumepensa ang mga fans ni Michelle Dee at sinabing deserve din nito ang korona.


"Hello deserve ni MMD ang crown kahit ulitin niyong pakinggan yung QnA her answers we're on point. She may not have the best performance in EG and SS pero girl di na basehan ngayon yun sa last 2022 MU ba naging basehan yung placements nun??  Hindi di ba nagulat nga tayo sa list eh"


"Sorry magaling si bohol..pero i think the way Michelle Dee carries herself on stage tonight..she deserved it and she nailed it..a woman with class."


"bohol will not make the top 15 in the miss universe pageant. let us be honest. if she does, she will not make it onto the next round. if only q&a will be the competition, she deserves the crown. but it is not just about being articulate."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo