Xander Ford At Live In Partner Nito Nagmakaawa Na Kay Christian Merck Grey Na Ibigay Ang 349, 000

Linggo, Mayo 14, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang nanawagan ang social media personality at dating actor na si Xander Ford Arizala sa content creator na si Christian Merck Grey na ibigay na ang perang ipinangako nito sa kanila. Sa pagkakataong ito kasama na ni Xander ang kanyang kinakasamang si Gena Mago.


Matatandaan na kamakailan lamang ay inilabas ni Xander Ford sa social media ang kanyang pagkadismaya kay Christian Merck Grey dahil hindi ito sumipot sa binyag ng kanyang anak at hindi rin nito binigay ang pinangakong pera sa kanila.


Ayon sa pagsisiwalat ni Xander Ford, nangako si Christian Merck Grey na sasagutin niya ang kalahati ng catering services sa binyag ni Baby Xeres. Bukod pa rito magbibigay din umano ito ng 349 thousand pesos para sa bata.


Subalit, hindi umano sumipot si Christian Merck Grey at hindi rin nito binigay ang mga ipinangako nito sa kanila kaya labis na lamang ang pagkadismaya ngayon ni Xander Ford.


Samantala, sa isang video na inilabas kamakailan lamang ni Xander Ford, makikitang kasama na niya ang kanyang live in partner na nakikiusap kay Christian Merck Grey na ibigay na sa kanila ang ipinangako nitong 349 thousand pesos.


Ipinunto pa ni Xander Ford na wala siyang pakialam sa natatanggap na pambabatikos dahil sa pangako ni Christian Merck Grey, binunggahan nila ang celebration sa binyag ng anak.


“Ang gusto lang namin dito ay makuha ‘yung para sa’min,” pagdidiin pa ni Xander Ford.


 “Alam naman namin at alam naman niya na talagang sinasabi sa amin ‘yon, na pinangako niya sa’min yon," pagpupunto pa nito.


“Yung lang ang gusto naming mangyari dito na sana ibigay mo nalang samin ‘yung P349,000 na ipinangako mo samin.”


Ayon pa kay Xander Ford, na kailangan nila ang pera para sa pagpapaospital ng mga kaanak ng asawa.


Maging ang kalive in niyang si Gena Mago ay nanawagan na rin kay Christian Merck Grey na tuparin na nito ang ipinangako sa kanila.


“Kung hindi mo naman pala kayang tuparin ‘yung pinangako mo sana hindi ka nalang din nangako kasi nangangailangan din kami, katulad ngayon na kapapanganak ko palang,” pahayag naman Gena Mago.


Humiling din ito na sana ay sagutin na ni Christian Merck Grey ang kanilang video ang tapatin sila kung magbibigay ba ito o hindi.


Sa kabilang banda, hindi pa rin nagbibigay ng sagot si Christian Merck Grey sa mga panawagan nina Xander Ford at Gena Mago.


Samantala, narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens patungkol sa mga hanash nina Xander Ford.


"Ginusto natin na magkaanak. Kaya responsibilidad din natin ang lahat ng gastusin para sa ating binuong pamilya. May tumulong man o wala , magpasalamat pa din tayo."


"Dinaig ka pa ng mga pamilyang nakatira sa kalsada at madami ding problema. Mabigyan lang sila ng 20 pesos masaya na. I think hindi ka pa ready emotionally and financially bilang tatay ng anak mo. Ekis ka."


"Nakakahiya ka amakana. Khit pinangakuan Kapa .Sana dika umasa. .atsaka di kaylangan Ng bonggang handaan susko"


"first time ko mag cocomment sa ganito i don't know pero alam mo xander kanya kanya tayo ng pananaw sa buhay pero pinangakuan kalang ni merk hindi po yan utang nya sa inyo na para singilin mo ikaw lang po napapahiya sa ginagawa nyo tingin nyo po ba dahil sa pinublic mo yung issue nayan is ibibigay na sayo ni merk yung 349k na pinangako nya?"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo