Isyu Na Palamunin Lamang Si Matteo Guidicelli Ni Sarah Geronimo, Mawawala Na

Miyerkules, Mayo 10, 2023

/ by Lovely

Nagbigay ng saloobin ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin hinggil sa matagal nang isyu sa pagitan ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.


Noon pa man ay maingay na ang isyung nagiging palamunin lamang ni Sarah Geronimo ang sariling asawa na si Matteo. Isa sa mga itinuturing dahilan nito ay ang pagkakaroon ng mas malaking talent fee umano ni Sarah kaysa sa mister nito.


Naging sunod-sunod din ang mga projects noon ni Sarah at hindi man lamang nababakante.


Samantala, nauna nang naiulat ang paglipat ni Matteo Guidicelli sa GMA7. Kung saan magiging host siya sa Unang Hirit.


Kaya naman, nagbigay ng saloobin si Manay Cristy Fermin at ipinahayag niyang mamatay na umano ngayon ang isyung umaasa lamang si Matteo kay Sarah Geronimo.


“So ngayon mamamatay na ‘yung issue na umaasa lang itong si Matteo kay Sarah Geronimo na hinding-hindi naman mangyayari dahil hindi naman po pinulot sa pusali si Matteo. May kabuhayan showcase ang pamilya,” pahayag ni Manay Cristy Fermin.


Matatandaan na sa isang epesode ng Fast Talk with Boy Abunda, isiniwalat ng King of Talk ang pagpirma ng kontrata ni Matteo sa GMA Public Affairs. May nakatakda na rin umano itong shoot.


Sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ay ikinasal noong February 20, 2020. Unang inamin nila ang kanilang relasyon noon pang 2014.


Naging controversial ang pagpapakasal ng dalawa dahil sa labis na pagtutol ng mga magulang ni Sarah Geronimo. May lumabas pang ulat na papayag lamang umano ito kung ililipat ni Sarah ang mga ari-arian niya sa pangalan nila.


Hindi sinunod ni Sarah Geronimo ang kagustuhan ng kanyang mga magulang kaya naman hanggang ngayon ay tila hindi pa rin naging maayos ang kanilang relasyon mag-anak.




 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo