Claudine Barretto May Big Revelation Sa Kanila Ni Judy Ann Santos?...

Lunes, Mayo 8, 2023

/ by Jerome

 


Dadalhin daw hanggang kamatayan, ang mga sinabi noon ni Judy Ann Santos kay Claudine Barretto.


Sa isang panayam, ay sinabi ng actress at celebrity mom na si Claudine Barretto na hinding hindi daw niya makakalimotan ang mga sinabi sa kanya noon ng actress na si Judy Ann Santos.


Ayon sa kanya, ay dadalhin daw niya iyon hanggang kamatayan, dahil hinding hindi niya malilimutan ang mga sinabi sa kanya ni Juday.


Kung matatandaan ay noong kasagsagan pa ng kasikatan ng mga karera ng dalawa noong dekada 90's ay pilit silang pinagsasabong noon ng kanilang mga fans.


At silang dalawa ang itinuturing na pinakamahigpit na magkalaban pagdating sa larangan ng pag-arte sa teleserye at pelikula. Kahit na pilit silang pinag-aaway ng mga fans. 


Ayon pa kay Claudine na tandang-tanda pa daw niya kung papano sila pinagbabawalan noon ng yumaong manager noon ni Juday na si Alfie Lorenzo na makita silang magkasama dahil sa kanilang rivalry.


Inamin din ni Claudine Barretto na marami daw umano silang pinagdaanan ni Judy Ann Santos.


Sabi ni niya, "Bawal kaming magkita sa labas kasi ayaw ni Tito Alfie, kasi dapat daw ala Nora at Vilma, parang ganyan."


Naibahagi din ni Claudine Barretto na noong lumipat siya sa GMA 7 at iniwan ang ABS-CBN ay isa si Juday sa nagsalita at nagtanggol sa kanya, mula sa mga basher na nagkomento ng mga masasama at masasakit na salita.


Ayon kay Claudine, na dadalhin niya hanggang kamatayan ang mga sinabi ni Judy Ann sa isang panayam.


Aniya, "I would never forget what Judy Ann did for me, that's why she is who she is, Judy Ann Santos is Judy Ann Santos."


"You know at my lowest point when I also transferred from channel 2 to channel 7, in one of her interviews, they said that she is the teleserye queen, and she said no, Claudine and I shared that title."


"I never forget that moment until the day I die, And our dreams is to be able to do a movie together. I will forever grateful for Judy Ann Santos, Queen supports queens." Ito ang mga naging pahayag ni Claudine Barretto sa panayam ng King of Talk na si Boy Abunda.







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo