Timeline Kung Saan At Paano Nagsimula Ang Relasyon Nina Coco Martin At Julia Montes

Huwebes, Mayo 25, 2023

/ by Lovely


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang pag-amin nina Coco Martin at Julia Montes na 12 years na silang magkasama.


Hindi naman na bago sa publiko ang 'relasyon' ng dalawa dahil ilang beses na rin silang nalilink sa isa't-isa.


Subalit ang ikinagulat ng lahat dahil kung 12 years na silang nagsasama ay minor pa lamang ng mga panahong iyon si Julia na ikinainis ng ilang mga netizens.


Samantala, naglabas naman ng pahayag ang isang Kapamilya page kung saan sinasabing hindi romantic na pagsasama ang tinutukoy nina Coco Martin at Julia Montes kundi ang kanilang pagsasama bilang love team.


Matatandaan na noong 2011, unang nagkasama sina Coco Martin at Julia Montes sa Kapamilya teleserye na Walang Hanggan.


Samantala sa kanilang live concert na naganap noong 2012, inilarawan ni Coco Martin si Julia Montes bilang baby at masarap alagaan.


Ipinahayag naman ni Julia noong panahong iyon ang kanyang paghanga kay Coco Martin dahil sa pagbibigay nito ng advice sa kanya kung paano ihandle ang stress dala ng career at personal na buhay.


Naging usap-usapan din noon ang pagiging escort ni Coco Martin sa debut ni Julia noong 2013. Sa panahon ding iyon naitanong kay Coco Martin kung nililigawan ba niya si Julia.


 "Si Julia kasi, bata pa. Hindi pa naman ako tumatalon! Siguro, kung may liligawan man ako ngayon, si Lola muna."


 "E, gusto ko munang i-enjoy ni Julia ang pagiging bata niya... Pero, sabi ko nga this time, mas inaano ko muna na mas tumibay ang pagiging magkaibigan namin."


Samantala noong 2015 naman muling naitanong kay Julia kung ano ang real score sa kanila ni Coco Martin.


Ayon kay Julia na nagkakasundo sila nito dahil pareho silang nag-umpisa sa showbiz upang maitaguyod ang kani-kanilang pamilya.


Ipinagdidiinan pa noong ni Julia Montes na magclose friend lamang sila.


Matapos ang pagtatambal sa Walang Hanggan, sina Coco at Julia ay muling bumida sa 2013 movie A Moment in Time at sa Kapamilya series noong 2014 na Ikaw Lamang.


Mula noon ay hindi na rin nawawala ang isyung may relasyon sila.


Noong 2019 naman pumutok ang balitang nanganak si Julia sa unang anak nila ni Coco Martin. Nag-ugat ito sa biglaang pagbabakasyon ni Julia sa Germany.


Muling nagkasama sina Julia Montes at Coco Martin sa teleseryeng Ang Probinsya. Nito lamang nagdaang taon muling may naglabasang haka-haka na muling nagbubuntis si Julia Montes.


Ang pinagbabasehan ng mga netizens sa balitang ito ay ang biglaang pananaba ni Julia at sa mga larawang tila tinatago ang kanyang tiyan.


Samantala, patuloy lamang ang dalawa sa pananahimik sa kabila ng kaliwa't kanan na isyung binabato sa kanila.


Subalit tila nagtapos na ang pagtatago dahil sa ginawang pag-amin nila sa panayam ni MJ Malfori.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo