Anjo Yllana Sinisingil Ang TAPE Inc. Sa Kanyang Mga Backwages!

Martes, Mayo 16, 2023

/ by Lovely


 Nananawagan ang dating host ng Eat Bulaga na si Anjo Yllana sa mga panibagong namumuno sa TAPE Inc. na sana'y bayaran ang mga backwages na hindi naibibigay sa kanya.


Matatandaan na naging host ng Eat Bulaga si Anjo Yllana mula noong 1998 hanggang sa kanyang pagresign noong 2020.


Kaya naman hinihiling niya ngayon na sana' y matulungan siya ng kanyang mga dating kasamahan sa pagkuha sa nararapat sa kanyang pagseserbisyo.


Noong unang mga taon sa Eat Bulaga ay naging maayos naman ang pagpapasahod ng TAPE Inc. sa kanilang mga host. Subalit, umabot ang punto na nagkadelay-delay na ang pagbibigay sa kanila ng sahod hanggang sa umabot ng walong buwan.


“Ngayon, nung 2018 yata ‘yun, nagsimula na ‘yung mga delay-delay. Nagsimula muna sa two months, three months, four months… akala ko malayo na ‘tong four, pero umabot ng seven to eight months. Hirap na hirap na ako.” pagbabahagi niya.


“Napakahirap na nagtatrabaho tapos ilang buwan kang walang sweldo … kasi ano pambuhay mo sa pamilya mo?” pagpupunto pa ni Anjo. 


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, wala na sanang balak pang maningil ni Anjo sa mga utang ng TAPE subalit nang malaman niyang binayaran na ng mga ito si Bossing Vic ay magpapabayad na rin umano siya dahil labis siyang nangangailangan ngayon.


“Kumbaga pinagpasa-Diyos ko na lang yun kasi sabi nga naging masaya naman ako. Mahal ko yung mga katrabaho ko dun pero kung magkakabayaran, sama naman ako. Kahit wala na ako diyan, sama naman ako. Kasi pinagtrabahuhan ko naman,” ani Anjo.


“Ngayon, kung may tiwala kayo sa akin, yun lang naman yun e. Lima o pitong buwan. Konting compensation. 20 years naman ako sa inyo, kalahati halos ng buhay ko inalay ko naman sa inyo. Wala naman akong masamang tinapay sa’yo,” dagdag pa nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo