Lorna Tolentino, Gusto Pa Ring Magkaasawa, Ipinagdarasal Na May Kasama Sa Pagtanda

Huwebes, Mayo 18, 2023

/ by Lovely

Diretsahang inamin ng batikang aktres na si Ms. Lorna Tolentino na hindi niya isinasara ang posibilidad ng pag-aasawa.


Ayon kay Lorna Tolentino, katulad ng ibang mga single humihiling din siya na magkaroon ng partner na siyang makakasama at mag-aalaga sa kanya pagdating ng kanyang pagtanda.


“Hindi ko naman pinaplano ‘yan pero ipinagdarasal ko na sana meron namang mag-alaga sa akin pagtanda ko. Hindi mo naman maiiwasan ‘yan pero maalaga talaga ang Panginoon,” pahayag ni Lorna Tolentino.


Dahil palaging nakakasama niya sa trabaho ang veteran actress na si Cherry Pie Picache na masaya sa romantic relationship nila ni Edu Manzano, maitanong din kay Lorna kung humihingi pa siya ng tips mula rito sa paghahanap ng magiging jowa.


Sagot ni Lorna, na hinihintay niya lamang ang lalaking para sa kanya sakaling pahintulutan ni Lord.


Sa kabilang banda,  muli na namang kinainisan ng mga manood ng Batang Quaipo ang karakter ni Lorna Tolentino bilang si Amanda Salonga.


Ayon pa sa komento ng ilang mga netizens na matapos ang kanyang paghahasik ng lagim sa Probinsyano, pinagpatuloy niya ang pagpapainis sa Batang Quiapo.


Samantala, puring-puri naman ni Lorna Tolentino ang actor-director ng Probinsyano at Batang Quiapo na si Coco Martin dahil sa husay at galing nito sa pagdala ng mga talents.


Ibinahagi pa ni Lorna na si Coco Martin ang nagrequest sa kanyana baguhin ang kulay ng kanyang buhok.


“Sabi niya, ‘My (mommy), subukan mong magpakulay ng buhok.’ Sabi ko, ‘Try ko ha kasi baka masira.’ ‘My, kailangan ganito, kailangan ganyan.’


“Siya nag-i-inspire sa iyo na mag-isip kung paano mo itsi-change ‘yung look mo. Dati kasi parang kung ano length ng buhok mo, pwede mong pabago nang kaunti, pwedeng ipa-blower, pwedeng may ibang style. Pwedeng may extensions, ‘di ba? Pero ‘yung tatatak sa iyo, itong haircut na ito,” pagbabahagi ni Lorna.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo